Search This Blog

Tuesday, July 28, 2009

PGMA's (Last?) SONA


Dahil naiinggit ako sa mga nag-blog na tungkol sa SONA 2009... hindi ako gagaya sa kanila! Kahit na nate-tempt akong dumada. Kahit na buong Monday afternoon ko ay SONA mode. Kahit na 3PM palang ay pinapanood ko na sa Channel 9 ang pre-SONA chorvs nila. Kahit na hindi ko inalis ang tingin ko kay Pangulong Arroyo sa loob ng humigit-kumulang isang oras. Kahit na ninamnam ko ang nawat salita. So sorry ka, wala kang makukuhang reaksiyon ko dito tungkol sa SONA 2009. Dahil... una, parang lahat naman ng gusto kong sabihin nasabi na ng iba. Baka maumay ka lang. At pangalawa... tinatamad lang talaga akong mag-type. BUSY ako! HAHAHA. Tapos sayang ang space! HAHAHA.
Wala naman talaga akong pakelam sa SONA dati. Una lang akong nagkumahog mapanood ang SONA ay noong 2006. Required kasi kaming manood at gumawa ng reaction paper para sa PolSc 11. Natatandaan ko, walang pasok noon. Kaya sabi ng propesor, wala kaming dahilan para hindi makapanood. Pero ako? Nasa mall ako nun. Kay sa totoong buhay, sa Internet ko lang pinanood ang SONA 2006. San ka pa? Na-pa-pause na, puwede pang i-rewind! Tapos may full-text pa na puwedeng i-download! HAHAHA.
Natago ko pa ang reaction papaer ko na ‘yun. Hindi ko alam kung bakit ko tinago. Siguro dahil memoranle siya dahil ‘yun ‘yung unang papel na kinailangan kong isumite para sa isang major subject? Siguro dahil nagandahan ako sa handwriting ko doon? (Remembrance para maipaalala ko sa sarili ko na puwede ring gumanda ang handwriting ko paminsan-minsan. HAHAHA.) Or masinop lang talaga akong bata. Kunwari pa-OC. Ganun. HAHAHA!
Itanong mo kung anong grade ko dun. 2.75. Oo, 2.75!! Wow, ang baba. Hindi naman ganun ka-pula ‘yung papel. Pero nahiya naman ako sa sarili ko nung binasa ko siya kani-kanina lang. Kung ngayon ko bibigyan ng grade ang sarili ko, 4.0 siguro ibibigay ko. Pero dahil mabait ako, 3.0 nalang para sa effort. Hehe.
Ambabaw ko! Walang kwenta. Tsk tsk. Sinulat ko ‘to?! Ganun pala ako dati? Hmmm. Hindi ko naman sinasabing napakalalim ko nang tao ngayon. Pero siguro maiintindihan mo kung sasabihin kong habang tumatanda pala tayo, mas naiintindihan natin ang ibang mga bagay. Pero hindi ko rin sinasabing matanda na ako. May ilan lang talagang mga pangyayari ang minsang mag-uudyok na sabihan mo ang sarili mo na mas nag-mature ka na kaysa dati.
Lessons Learned: Kailangang tumingin tayo beyond the flashed images. Kailangang pakinggan ang mga bulong kahit na andami nang sumisigaw. Kailangang pakiramdaman ng higit sa kung ano lang ang ipinaparamdam. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, katotohanan ang lalapit sa ‘yo. Minsan, ikaw ang kailangang humanap sa katotohanan. Tipong “Katotohanan, wer na u? D2 na me.” (Sorry, hindi talaga puwedeng walang corny part. HAHA!)
Gusto ko ba si Gloria? Hindi ko pa napagdedesisyunan. Hindi ako ANTI-Gloria, pero minsan galit ako sakanya. Hindi rin ako PRO-Gloria, pero minsan gusto ko siya. Balimbing mode? Siguro nga oo. Pero kesa naman pilitin ko ang sarili ko na lumugar sa isang panig na hindi ko naman lubusang nalalasap.


Thursday, July 9, 2009

DEAR RIZAL

Dear Rizal,

Hindi mo ako kilala. Pero ikaw, kilala kita. Dati pa. Bata palang ako pinagmumudmuran na sa mukha ko kung sino ka. Kalabaw palang ang likod ng dating piso, namumukhaan na kita. Hindi ko inakalang ngayong semestreng ito, apat na araw sa isang linggo kitang makakasama. Pero wala akong 196 kahapon, at wala ulit bukas, kaya naman dalawang beses lang ngayong linggo. Ayos. Medyo nagsasawa na kasi ako sa iyo. Don't get me wrong. Napakakulay ng buhay mo para pag-aralan. Napaka-fascinating ng mundong ginalawan mo noon. Pero ewan, information overload ba ang tawag? Sa PI 100, binubusog ako ng bayograpiya ng buhay mo. Pati mga tsismis ukol sa 'yo. Pati mga cute na bagay tungkol sa 'yo. At sa 196 naman, ikaw ang kauna-unahang Filipino political thinker na dinis-cuss namin. Isama pa ang may kauntiang istorya ng Pilipinas sa panahon mo. Cool. Sikat ka talaga!

Kung nabuhay ka kaya sa panahong ngayon, iba siguro ang takbo ng buhay mo. Mag-memessage ka nalang siguro kay Blumentritt via Facebook. Hindi mo na kokopyahin sa sulat kamay ang history ni Morga, may photocopy na eh. Mas madali na ang pagpapakalat ng Noli at Fili via e-mail. At ang "Memorias de un Estudiante de Manila" mo, i-bblog mo nalang din kaya? Hindi mo na gagastusin ang halos lahat ng iyong allowance para sa mga libro dahil may internet at e-books na. Mai-rerecord mo rin nga siguro sa MP3 ang mga tugtugin ni Leonor sa piano, para feeling mo, lagi kayong magkasama.

Ngunit kung ngayon ka nga siguro nabuhay, wala na ang mga deskripyong hitik sa paglalarawan. Titipirin mo siguro ang mga letra sa mga texts mo sa mga kamag-anak mo. Wala ka na sigurong oras para manood ng mga palabas sa teatro dahil sa dami ng mas nakakaaliw na bagay na pupukaw sa atensiyon mo. Wala na ang mga larawang kathang-kamay mo habang nakasakay ka noon sa bapor na papuntang Europa. Naka-eroplano ka na siguro. Or kung magbabarko ka siguro, may digicam ka na, tapos edit-edit nalang sa Photoshop.

Hay Rizal. Ano bang pakiramdam ng hinahalukay ang buhay mo ng kung sinu-sino? Katulad ko, keber kitang intindihin dahil kailangan kita ngayong semestre para maipasa ang dalawang subjects ko. Pero after ng sem na ito, dig pa kaya kita? May kuwenta ka sa akin ngayon, pero sampu ng mga estudyante, magiging ano kayang papel mo sa amin matapos naming lumabas sa apat na sulok ng classroom?

Sige na, next time ulit. Madami pa akong bagay na dapat pag-isipan eh. Wala pa akong topic sa 199. AS IN WALA PA TALAGA! Tapos exam na namin sa Thursday. Kelangan ko pa magbasa sa 152. At sa 183. Tapos STS pa. HAYYY. Eto yata pinakamabigat kong sem. Buti ka pa, namamahinga na diyan.


Nagmamahal,

Rea