Search This Blog

Friday, July 27, 2012

"I don't even have a PLA" -Phoebe Buffay

Habang nanonood ng ASAP nung isang Linggo, pinalabas ang commercial ng PHILAM Life. May bago silang tagline... "Ikaw, may plano ka na ba?" habang sinasaliwan nang kanta ni Bamboo (Bamboo's back!) na may pamagat na "Basta may plano, kaya mo yan."

Nung medyo bata pa ako, akala ko napaka-simple ng buhay. So ang simple lang din ng plano ko. Maglalaro. Makikipag-kaibigan. Makikipag-away. Pupuntang Maynila para mag-aral ng kolehiyo (at magliliwaliw at magkakaroon ng night life at magiging maganda ang accent sa English). Magbo-boyfriend ng gwapo. Kahit ka-level lang ni Daniel Radcliffe. Magtatapos ng pag-aaral with honors (haha!). Magta-trabaho sa isa sa mga nagtataasang mga opisina sa Makati at magmumukhang disente. Magiging boss. Mag-aasawa ng naka-Amerikana. Magkaka-anak ng kambal. Pupunta sa iba't ibang bansa. Tatandang kasama ang irog (Naks! Lalim!). Tapos habang nasa balkonahe kami ng bahay, pinapanood namin ang aming mga apong nagtatampisaw sa ulan. *sigh* Mamamatay na may ngiti sa labi. Hehehe.

Pero hindi naman ganun kadali. Sa lahat ng plano ko, hindi mahalaga kung hindi ako sa Makati nakapagtrabaho. O kung hanggang ngayon di pa ako marunong mag-make-up at hindi pa mukhang kagalang-galang sa kasuotan sa araw-araw. Ang ikinasasama lang talaga ng loob ko... oh boyfriend na gwapo, nasan ka na? HAHAHA, charot lang.

What I am trying to say is... kahit nakaplano ka, at kahit gaano pa ka-specific (hindi kagaya ng plano kong napaka-vague) ang plano mo, hindi mo hawak ang plano nang ibang tao na maaaring makagulo ng plano mo. Walang nakakaalam kung anong mangyayari bukas. Tandaan, bilin ni Zenaida Seva:  Hindi hawak ng mga bituin ang ating mga kapalaran, gabay lamang sila.. meron tayong freewill. Gamitin natin ito.HAHAHAHA, kelangan may corny talagang part bawat paragraph.

Ganunpaman, masama din naman 'yung wala kang ka-plano-plano. Mahirap. Parang hindi mo alam kung anong patutunguhan mo. Ikaw pa rin may hawak ng magiging bukas mo-- 'yung future mo na summation ng lahat ng desisyon mo sa buhay.

Mangarap at planuhin kung paano ito makakamit. Kung hindi man agad makamit sa unang plano, magplano ng panibago. Peborit ko talagang quote 'yung, kapag hindi daw nagtagumpay ang plan a, may 25 letters pa sa alphabet. Ayos ano? ;P

No comments:

Post a Comment