Search This Blog

Sunday, November 23, 2008

Mga Bagay na Masarap Sabihin Minsan.

***

Ikaw ang nagpapahirap sa sitwasyon mo. Ilang beses ka na ba niyang iniwan? Iiyakan mo ang lahat ng tao sa paligid mo. Mangangako sa sarili na 'di na muling magpapaloko sakanya. Pero isang tawag lang niya, bibigay ka na naman.

Kung ayaw mong mahirapan, simple lang, bitiwan mo ang bagay na nagpapahirap sa 'yo. Iwan mo na siya. Marami pang iba diyan. Pumili ka naman ng taong ka-lebel mo, 'yung taong tutumbasan ang pagmamahal na kaya mong ibigay.

***

Mahal mo siya? Gaano mo siya kamahal? Ganun mo ba siya kamahal kaya't handa mong itapon ang pagmamahal ng isang taong lubos na nagmamahal sa 'yo, para lang isugal ulit ang puso mo sakanya?

Kung ayaw na sa 'yo, 'wag mong pilitin. Kung may iba na siya, hayaan mo na siya sakanya. Wala nang pupuntahan 'yan. Oo, madaling sabihin, mahirap gawin. Pero kung magsisimula ka ng pakonti-konti, makukumpleto din 'yun.

***

Tanga! Kung may salitang makakapaglarawan sa 'yo ngayon, tanga! Alam mong hindi ako nagmumura, pero dahil espesyal ka sa akin, PUTANG-INA! Ang tali-talino mo puro puso ang pinaiiral mo! Hindi kailangang mawala ang ulirat kapag nagmamahal. 'Wag mong ibigay lahat, magtira ka ng para sa ibang tao. Puro nalang siya! Aba, hindi lang siya ang tao sa mundo mo. Hindi lang siya ang nangangailangan sa 'yo!

Sige, ibuhos mo lahat-lahat sakanya. Sige lang, hayaan mong ilayo ka niya sa mundo mo. Pero baka bukas, kapag nawala siya sa buhay mo, mahirapan kang balikan ang mundong iniwan mo dahil sakanya.

***

Hindi lang ikaw ang tao sa mundo namin. Sana minsan isipin mo 'yun. Mahal ka namin, pero hindi lang laging tungkol sa 'yo ang nangyayari sa mundo namin. Lagi kaming nakikinig sa 'yo. Pero ikaw ba pinakinggan mo ba kami?

Paulit-ulit na kuwento. Hindi naman masama. Pero natanong mo na ba sa sarili mo na minsan gusto rin naming magkuwento sa 'yo. Alam na namin lahat tungkol sa 'yo, pero sige nga, anong alam mo tungkol sa mga buhay namin?

Give and take, dude. Minsan iparamdam mo rin sa amin na espesyal kami sa 'yo, na gusto mo ring pakinggan ang mga kuwento namin, na concern ka rin sa amin.

***

Wala ka pa ngang nasisimulan ayaw mo na? Hindi mo pa nga nasusubukan eh, sinusukuan mo na. Anong balak mong gawin? Hayaang ipamukha sa sarili mo na duwag ka na subukan man lang ang mga bagay-bagay? Gusto mo 'to 'di ba? Pero bakit parang hindi ko nakikitang ganoon ka kadeterminado para makuha 'yun? Wala man lang kahit kaunting effort!

Tapatin mo nga ako. Gusto mo ba talaga? O napipilitan lang dahil wala ka nang ibang pagpipilian? Kung 'yung pangawala, tama ngang tumigil ka na. Hindi lang kayo magiging masaya pareho. Ok lang sana kung ikaw lang eh, pero 'wag ka na sanang mandamay ng iba. 'wag ka na sana uling gumawa pa ng mga bagay-bagay na simula pa lang, alam mo nang hindi mo kayang tapusin at panindigan. Na sa simula palang, alam mong may mga taong masasaktan.

***


Kung hahayaan mong lamunin ka ng buo ng iyong mga alaala, sinasabi ko sa 'yo, ikaw ang kawawa. Hindi ko sinasabing kalimutan mo, ang sa akin lang, 'wag mo sanang gawing hadlang ang mga pangyayari sa nakalipas para sa mga mangyayari pa sana sa hinaharap.

Darating ang panahon, baon ka pa rin sa hinagap ng kahapon, habang lahat ng mga tao sa paligid mo, masaya nang hinaharap ang nangyayari sa kasalukuyan. Ikaw ang talunan. Ikaw ang maiiwan. Huli na nga, wala pang balak humabol.

Thursday, November 13, 2008

Best! :)

Last night, I was in a conversation (through y!m) with one of my closest friends, si Karen. Si Best! We were in the same section in sixth grade, but it was only in the 'High School Celeb' of LP, way back in 2003 na naging close talaga kami. Uhmm, 'di ko pala sigurado kung dun nga! Haha. I mean, I really don't remember kung paano talaga kami naging close, and I know she doesn't remember too. What is memorable for me is the evolution of our endearment. It was not supposed to be BEST for Best Friend, ironically, it was supposed to be BEST for Best Enemy. Haha! Totoo! But of course, we were not really enemies, lokohan lang talaga.

Hindi naman talaga kami close na close nung hayskul. Hindi kami lagi magkasama. Hindi ako ang best friend niya, at hindi lang siya ang best friend ko. Kung tutuusin, hindi niya alam ang lahat ng sikreto ko, at hindi ko rin alam ang lahat ng kanya. Pero ewan ko ba, si Best 'yan eh, at kung papipiliin ako kung gusto ko pa siyang maging kaibigan sa mga susunod na buhay ko, isang matinding oo ang isasagot ko! ^^,

Before last night, huli ko siyang nakausap (via text) ay noong birthday niya, at huli ko namang nakita ay noon pang October 2007! Wooh, kaya miss na miss na ako niyan eh. Ahahaha. And I really miss her. Kaya nga sobrang nasayahan ako kagabi nung nakita kong online siya! Hahaha. Kahit konti lang naging pag-uusap namin, at kuwentuhan, at balitaan (lalo na ang balita niya about sa lovelife niya, haha), feeling ko, close na close lang ulit kami kagabi. :)

Minsan, kapag matagal nating hindi nakakasama at nakakausap ang isang taong sobrang naging ka-close natin sa isang bahagi ng buhay natin, kapag nakasama na natin sila, parang bumabalik 'yung pakiramdam ng pagiging close niyo dati. Kahit na magkaiba na kayo, kahit na sobrang dami nang nagbago. Siguro nga, dahil minsan masarap balikan ang mga huling masasayang sandali, at minsan, masarap alalahanin na sana, ganoon pa rin. Ah basta, 'di ko maipaliwanag! Basta, masarap at masayang balikan ang nakaraan, katulad ng pagkabubo ng Pepsi sa uniform, ang pa-bingo ng Math, at ang mga sulat.

***

--> Best, wala na kasi sa plano ko ang mag-gm. At oo, guilty ako na wala akong personal message sa 'yo, lahat gm, or forwarded messages. Kaya eto, para sa 'yo ang blog entry na 'to! xoxo. Labyu! Goodluck and God Bless! :)