Search This Blog

Thursday, November 13, 2008

Best! :)

Last night, I was in a conversation (through y!m) with one of my closest friends, si Karen. Si Best! We were in the same section in sixth grade, but it was only in the 'High School Celeb' of LP, way back in 2003 na naging close talaga kami. Uhmm, 'di ko pala sigurado kung dun nga! Haha. I mean, I really don't remember kung paano talaga kami naging close, and I know she doesn't remember too. What is memorable for me is the evolution of our endearment. It was not supposed to be BEST for Best Friend, ironically, it was supposed to be BEST for Best Enemy. Haha! Totoo! But of course, we were not really enemies, lokohan lang talaga.

Hindi naman talaga kami close na close nung hayskul. Hindi kami lagi magkasama. Hindi ako ang best friend niya, at hindi lang siya ang best friend ko. Kung tutuusin, hindi niya alam ang lahat ng sikreto ko, at hindi ko rin alam ang lahat ng kanya. Pero ewan ko ba, si Best 'yan eh, at kung papipiliin ako kung gusto ko pa siyang maging kaibigan sa mga susunod na buhay ko, isang matinding oo ang isasagot ko! ^^,

Before last night, huli ko siyang nakausap (via text) ay noong birthday niya, at huli ko namang nakita ay noon pang October 2007! Wooh, kaya miss na miss na ako niyan eh. Ahahaha. And I really miss her. Kaya nga sobrang nasayahan ako kagabi nung nakita kong online siya! Hahaha. Kahit konti lang naging pag-uusap namin, at kuwentuhan, at balitaan (lalo na ang balita niya about sa lovelife niya, haha), feeling ko, close na close lang ulit kami kagabi. :)

Minsan, kapag matagal nating hindi nakakasama at nakakausap ang isang taong sobrang naging ka-close natin sa isang bahagi ng buhay natin, kapag nakasama na natin sila, parang bumabalik 'yung pakiramdam ng pagiging close niyo dati. Kahit na magkaiba na kayo, kahit na sobrang dami nang nagbago. Siguro nga, dahil minsan masarap balikan ang mga huling masasayang sandali, at minsan, masarap alalahanin na sana, ganoon pa rin. Ah basta, 'di ko maipaliwanag! Basta, masarap at masayang balikan ang nakaraan, katulad ng pagkabubo ng Pepsi sa uniform, ang pa-bingo ng Math, at ang mga sulat.

***

--> Best, wala na kasi sa plano ko ang mag-gm. At oo, guilty ako na wala akong personal message sa 'yo, lahat gm, or forwarded messages. Kaya eto, para sa 'yo ang blog entry na 'to! xoxo. Labyu! Goodluck and God Bless! :)

2 comments:

  1. gosh!!! best... last year pah pala toh and almost half year nah... yet! wala akong kaalam alam... waahh!!! naiiyak tuloy me... sobrang naapreciate koh sya as in!! never in my wildest dream nah naicp kong may isang taong maglalaan ng blog nya para saken...yet!! ders dis one pala in existence..tengkyu talaga best!! saka im really flattened...as in flattened...(tama bah spelling?) haha...
    Remember moh pah pala khet mga months and dates..me kxe nde..(aminado namn akong nde ako matandain sa mga dates) but i remember all da memories...promise yan!! tengkyu and love u lots!!! kaw lang bff koh!!! hahah

    ReplyDelete
  2. hay naku best. ang drama mo ah. anong nakain mo?! hahaha.
    siyempre naman. part ka ng buhay ko eh. at dahil mahalaga saken ang Multiply account ko, dapat part kayo nito. saka alam ko namang worth it 'yung space para sa isang taong gaya mo. oh ha. oh ha. lumelebel na ba pambobola ko best?! hahaha.

    awww. namiss tuloy kita bigla. =(

    ReplyDelete