Search This Blog

Monday, May 25, 2009

Ano kayang issue ang magpapatlbog sa Hayden Kho-Katrina Halili scandal?

Nakakatawang mula sa pagka-LSS ko sa Runaway (na theme song ng Juday-Ryan wedding) ay nalipat ito sa... CARELESS WHISPER! Kung updated ka sa mga headlines ng mga balita, alam mo na 'yun kung bakit! Hahaha. Or kung hindi pa, okay, sasabihin ko sa 'yo. Ang Careless Whisper kasi ang background music ng isang video nina Hayden Kho at Katrina Halili na napanood ko sa YouTube.

Much has been said. Napakinggan na ang bawat panig. Kinilatis na ang mga taong involved. Nakisali ang mga gustong makisali. Nahango sa baul ang ibang issue na kaugnay sa Hayden-Katrina scandal. Nagkaroon ng mga bagong issue na related sa issue. Naging pungchline ng mga joke sa TV at sa isang normal na usap-usapan. Naging laman ng mga forwarded messages tulad nito:
 

Kapag nakasalubong mo si Katrina at nag-HI siya sa 'yo, sabihin mo, "HAY DEN!"

At eto pa:
 

Lesson from the circulating scandal today: Kapag nasa "KAT-RI-NA", tingnan muna kung may "HAYDEN" camera.

Dahil sa scandal nina Katrina at Dr. Hayden, naungkat ang ilang mga isyu katulad ng sex videos, improving technology sa pag-uupload ng mga videos, piniratang DVDs, at maging kung problema ba sa utak ang perversion. Hindi ko alam kung sakto ito sa eskandalo ngayon, ngunit mayroon palang teorya si Anthony Downs tungkol sa ISSUE-AWARENESS CYCLE, kung saan ang pagtrato ng public sa isang issue o problema ay dumadaan sa limang magkakasunod na stages, kung saan ang duration ng isang stage ay iba-iba. Una ko itong nakita sa isang required reading sa Politics of the Environment. At narito ang limang stages according to anthonydowns.com.
 

1. The pre-problem stage. Mayroong issue o problema na nag-e-exist ngunit hindi wala ito sa pansin ng madla. 

2. Alarmed discovery and euphoric enthusiasm. Magkakaron ng isang kagulat-gulat na pangyayari na yayanig sa mga tao at magiging dahilan ng mataas na awareness ng tao sa isang issue o problema.
 

3. Realizing the cost of significant progress. Mas lalong lalawig ang kaalaman ng tao ukol sa issue o problema, at magkakaroon ng awareness ang madla ukol sa halaga ng oras, pera, at effort para masolusyunan ang issue o problema.

4. Gradual decline of intense public interest. Unti-unting mawawala sa pang-araw-araw na buhay ng tao ang issue o problema. Una, dahil sa marerealize nila na wala naman silang magagawa para masolusyunan ang issue o problema, o ikawala, dahil na-bo-bore lang talaga sila.


5. The post-problem stage. At ang huli, mawawala na ng lubos ang awreness ng tao sa isang issue o problema dahil mapapalitan ito ng bagong issue.


Come to think of it, ano kayang issue ang magpapatalbog sa Hayden Kho-Katrina Halili scandal? ;)

2 comments:

  1. ay nako rea, burat na burat na talaga ako sa isyung yan. nakakawalang gana na nga manood ng news eh.. let alone na magkakaron pa ng hearing sa senate para lang dun. i mean, DUH!

    ReplyDelete
  2. haha, me too. mula umaga pagkagising hanggang bago matulog, 'yun nalang naririnig ko. At nasa HEADline pa talaga siya. Naku.

    I bet, in less than three weeks, mamamatay na yang issue na yan. Haha.

    ReplyDelete