Hindi mo ako kilala. Pero ikaw, kilala kita. Dati pa. Bata palang ako pinagmumudmuran na sa mukha ko kung sino ka. Kalabaw palang ang likod ng dating piso, namumukhaan na kita. Hindi ko inakalang ngayong semestreng ito, apat na araw sa isang linggo kitang makakasama. Pero wala akong 196 kahapon, at wala ulit bukas, kaya naman dalawang beses lang ngayong linggo. Ayos. Medyo nagsasawa na kasi ako sa iyo. Don't get me wrong. Napakakulay ng buhay mo para pag-aralan. Napaka-fascinating ng mundong ginalawan mo noon. Pero ewan, information overload ba ang tawag? Sa PI 100, binubusog ako ng bayograpiya ng buhay mo. Pati mga tsismis ukol sa 'yo. Pati mga cute na bagay tungkol sa 'yo. At sa 196 naman, ikaw ang kauna-unahang Filipino political thinker na dinis-cuss namin. Isama pa ang may kauntiang istorya ng Pilipinas sa panahon mo. Cool. Sikat ka talaga!
Kung nabuhay ka kaya sa panahong ngayon, iba siguro ang takbo ng buhay mo. Mag-memessage ka nalang siguro kay Blumentritt via Facebook. Hindi mo na kokopyahin sa sulat kamay ang history ni Morga, may photocopy na eh. Mas madali na ang pagpapakalat ng Noli at Fili via e-mail. At ang "Memorias de un Estudiante de Manila" mo, i-bblog mo nalang din kaya? Hindi mo na gagastusin ang halos lahat ng iyong allowance para sa mga libro dahil may internet at e-books na. Mai-rerecord mo rin nga siguro sa MP3 ang mga tugtugin ni Leonor sa piano, para feeling mo, lagi kayong magkasama.
Ngunit kung ngayon ka nga siguro nabuhay, wala na ang mga deskripyong hitik sa paglalarawan. Titipirin mo siguro ang mga letra sa mga texts mo sa mga kamag-anak mo. Wala ka na sigurong oras para manood ng mga palabas sa teatro dahil sa dami ng mas nakakaaliw na bagay na pupukaw sa atensiyon mo. Wala na ang mga larawang kathang-kamay mo habang nakasakay ka noon sa bapor na papuntang Europa. Naka-eroplano ka na siguro. Or kung magbabarko ka siguro, may digicam ka na, tapos edit-edit nalang sa Photoshop.
Hay Rizal. Ano bang pakiramdam ng hinahalukay ang buhay mo ng kung sinu-sino? Katulad ko, keber kitang intindihin dahil kailangan kita ngayong semestre para maipasa ang dalawang subjects ko. Pero after ng sem na ito, dig pa kaya kita? May kuwenta ka sa akin ngayon, pero sampu ng mga estudyante, magiging ano kayang papel mo sa amin matapos naming lumabas sa apat na sulok ng classroom?
Sige na, next time ulit. Madami pa akong bagay na dapat pag-isipan eh. Wala pa akong topic sa 199. AS IN WALA PA TALAGA! Tapos exam na namin sa Thursday. Kelangan ko pa magbasa sa 152. At sa 183. Tapos STS pa. HAYYY. Eto yata pinakamabigat kong sem. Buti ka pa, namamahinga na diyan.
Nagmamahal,
Rea
rea, natawa ko pramis. :D kung nasa facebook to, like-able ito. hehehe
ReplyDeleteang galing!
ReplyDeleteWala pa rin ako topic sa 199! At 190 (SP).
(T_T)
uy, thanks!! =))
ReplyDeletehuhu, wala pa akong FB. hahaha!
naka-move-on na ko! may topic na ako! (kasi hindi naman pala kailangan i-approve. haha)
ReplyDeleteano ung 190?
kaya mo yan BRY!! yihee!!
gawa ka fb account. may papakita akong link "kung si Rizal ay nasa Facebook" something like that. sooobrang funny naalala ko tong post mo. :D
ReplyDeleteSpecial Problem (SP), di ako nag-thesis
ReplyDeletesumumpa kasi ako na gagawa lang ako ng FB pag naipasa ko ang *drumrolls* 199. so sana this oct makagawa na. or next year pa kaya? haha. hanapin ko nalang kaw dun pag andun na ko. haha!
ReplyDeletesus, kayang-kaya mo un!!!! =)
ReplyDeletearay! wala nga maisip na problema
ReplyDeletekape, nice.. :)
ReplyDeletean cute..
2nd year q an rizal pero base nmn s experience q, minahal q tlaga xa.. noon q ln ata xa na-appreciate..
pinakilala xe xa smin ng prof nmin bilang isang ordinaryong tao na nagkakamali at hindi parang perpektong santo..
try mong basahin un, 'Rizal Without an Overcoat' - di ko sure qn yan un title pero superman yung costume niya dun.. baka sakaling 'di ka na magsawa sa kanya.. hehe..
aun.. di na kita nttxt, ubos xe madalas allowance dahil sa thesis.. wala na din time sa sobrang toxic ng mga subject..
di na din aq nkkpg-OL.. pero madalas aq sa FB.. mas madami na xe dun.. parang may klase lagi..
'yun lang.. miss na talaga kita.. madalas nga pala aq sa quezon xe andun un thesis namin..
ingat ka palagi..
loveyah.. ;)
hi kape. wow. halata ngang mahal mo na si Rizal. haha.
ReplyDeletenaalala ko tuloy nung HS, hindi ko naman nabasa kahit isang page ng Noli, pero nakassagot ako sa essay na isusummarize ung Noli. hahaha! thanks. nasa reading list namin 'yun rizal w/o an overcoat.
ano topic mo sa thesis? cool. nadadalas ka sa iyong lupang sinilangan. buti ka pa!! haha.
miss na din kita!! yaan mo, kapag pumasa ako sa 199, mag-FB na din ako. hahaha. see yah!! =)