Habang nanonood ng ASAP nung isang Linggo, pinalabas ang commercial ng PHILAM Life. May bago silang tagline... "Ikaw, may plano ka na ba?" habang sinasaliwan nang kanta ni Bamboo (Bamboo's back!) na may pamagat na "Basta may plano, kaya mo yan."
Nung medyo bata pa ako, akala ko napaka-simple ng buhay. So ang simple lang din ng plano ko. Maglalaro. Makikipag-kaibigan. Makikipag-away. Pupuntang Maynila para mag-aral ng kolehiyo (at magliliwaliw at magkakaroon ng night life at magiging maganda ang accent sa English). Magbo-boyfriend ng gwapo. Kahit ka-level lang ni Daniel Radcliffe. Magtatapos ng pag-aaral with honors (haha!). Magta-trabaho sa isa sa mga nagtataasang mga opisina sa Makati at magmumukhang disente. Magiging boss. Mag-aasawa ng naka-Amerikana. Magkaka-anak ng kambal. Pupunta sa iba't ibang bansa. Tatandang kasama ang irog (Naks! Lalim!). Tapos habang nasa balkonahe kami ng bahay, pinapanood namin ang aming mga apong nagtatampisaw sa ulan. *sigh* Mamamatay na may ngiti sa labi. Hehehe.
Pero hindi naman ganun kadali. Sa lahat ng plano ko, hindi mahalaga kung hindi ako sa Makati nakapagtrabaho. O kung hanggang ngayon di pa ako marunong mag-make-up at hindi pa mukhang kagalang-galang sa kasuotan sa araw-araw. Ang ikinasasama lang talaga ng loob ko... oh boyfriend na gwapo, nasan ka na? HAHAHA, charot lang.
What I am trying to say is... kahit nakaplano ka, at kahit gaano pa ka-specific (hindi kagaya ng plano kong napaka-vague) ang plano mo, hindi mo hawak ang plano nang ibang tao na maaaring makagulo ng plano mo. Walang nakakaalam kung anong mangyayari bukas. Tandaan, bilin ni Zenaida Seva: Hindi hawak ng mga bituin ang ating mga kapalaran, gabay lamang sila.. meron tayong freewill. Gamitin natin ito.HAHAHAHA, kelangan may corny talagang part bawat paragraph.
Ganunpaman, masama din naman 'yung wala kang ka-plano-plano. Mahirap. Parang hindi mo alam kung anong patutunguhan mo. Ikaw pa rin may hawak ng magiging bukas mo-- 'yung future mo na summation ng lahat ng desisyon mo sa buhay.
Mangarap at planuhin kung paano ito makakamit. Kung hindi man agad makamit sa unang plano, magplano ng panibago. Peborit ko talagang quote 'yung, kapag hindi daw nagtagumpay ang plan a, may 25 letters pa sa alphabet. Ayos ano? ;P
Search This Blog
Showing posts with label life. Show all posts
Showing posts with label life. Show all posts
Friday, July 27, 2012
Thursday, June 21, 2012
I've Met an Angel!
I've started this blog a few weeks ago and since then, I've been thinking of a topic to write about in my first post. I could've written a simple, "I'm blogging again, bitches! Muahahahaha." Then I could've proceeded with a very long narrative about my short-lived experience as a "feeling" blogger and how I suddenly just stopped blogging and how I attempted to blog again for a bunch of times but failed 90% of the time and how this blog has a large probability of being included in that statistics. Except that it'd bore you big time.
I really want to start off with a feel-good entry. You know, just to set the mood for the future posts. I really want this blog to be a happy blog. I want this to be one of the places you visit when you're feeling down and you want to be inspired and be happy and get a cyberhug from me and then your mood would instantly be better. Hehehe, wishful thinking (see blog description).
But since the past few days has been, well, not so kind towards me, I've had nothing to share. If I was forced to write those days, this would be filled with rants about how life is so unfair and cruel. It was that bad. Although I have a few moments to be thankful for, the real FEEL-GOOD moment happened last night and I really just felt the need to share this.
I got locked-out of our building last night.
I had dinner with my friends in a far, faraway land and got back late at our neighborhood. I went to our gates and being a fan of signage, I first checked if there were new announcements and what I read next made my eyes widen. There was a notice. The building's management has finally decided to change the locks (it has been semi-broken since God knows when). I wasn't informed. Why wasn't I informed? When was that notice posted?!
Still not believing my luck, I tried to open the lock of the gate with the old key... and *insert drum rolls here* it didn't open! When I inspected it, it was indeed a new lock... all new and shiny. I panicked.
The first logical action should have been to call one of my housemates to come and get me (the gate can be opened from the inside). But my relationship with them was purely "Hi-Hello" and nods and smiles so I didn't have any of their numbers stored in my phone. Second option: Go to my landlady's house which was some blocks away. But it's already really late and what if she's not informed about the new lock too?! Third option: Spend the night at McDonald's. Who wants to stay at McDonald's alone?!
There's a fourth option: Wait and pray to the deity that one of the tenants of the other units also had a good time with his/her friends and had to get back home as late as me. :P
I looked around. No one's coming. If only few people roam around our area during the day... imagine the number of people at night. Almost none. Therefore, goodbye option 4. I was starting to lose my hope. I went for a modification of option 2-- I planned to call my landlady.
I was about to dial her number when I saw him approaching. He was looking back at me. For a moment, I thought he was just passing by our street... but *insert drum rolls here*... he stopped infront of our gate and I saw him produced a key from his pockets. I couldn't even remember who between us asked, "Dito ka?" If it was me, that was stupid of me to ask. If it was him, ermmm, did he think I was a thief or something? Haha. But surely, it was him who said, "Pinalitan na kasi 'yung lock, kunin mo nalang bukas sa Unit 1132 'yung susi."
Never have I imagined that the sound of the lock unlocking and the sound of the gate opening would make me smile. I entered and surely, the tone of my "Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa, thank youuuuuuuuuuuuuuu!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" reflected how happy I was.
I don't know about you, but I believe in angels. In my belief though, they don't always have their wings with them, or their halo. Many times, angels are human beings whom in their simple actions helped us big time, who made our lives better, and unknowingly to them, saved us. Parang si kuya. :)
How about you? Have you ever met an angel?
Sunday, November 23, 2008
Mga Bagay na Masarap Sabihin Minsan.
***
Ikaw ang nagpapahirap sa sitwasyon mo. Ilang beses ka na ba niyang iniwan? Iiyakan mo ang lahat ng tao sa paligid mo. Mangangako sa sarili na 'di na muling magpapaloko sakanya. Pero isang tawag lang niya, bibigay ka na naman.
Kung ayaw mong mahirapan, simple lang, bitiwan mo ang bagay na nagpapahirap sa 'yo. Iwan mo na siya. Marami pang iba diyan. Pumili ka naman ng taong ka-lebel mo, 'yung taong tutumbasan ang pagmamahal na kaya mong ibigay.
***
Mahal mo siya? Gaano mo siya kamahal? Ganun mo ba siya kamahal kaya't handa mong itapon ang pagmamahal ng isang taong lubos na nagmamahal sa 'yo, para lang isugal ulit ang puso mo sakanya?
Kung ayaw na sa 'yo, 'wag mong pilitin. Kung may iba na siya, hayaan mo na siya sakanya. Wala nang pupuntahan 'yan. Oo, madaling sabihin, mahirap gawin. Pero kung magsisimula ka ng pakonti-konti, makukumpleto din 'yun.
***
Tanga! Kung may salitang makakapaglarawan sa 'yo ngayon, tanga! Alam mong hindi ako nagmumura, pero dahil espesyal ka sa akin, PUTANG-INA! Ang tali-talino mo puro puso ang pinaiiral mo! Hindi kailangang mawala ang ulirat kapag nagmamahal. 'Wag mong ibigay lahat, magtira ka ng para sa ibang tao. Puro nalang siya! Aba, hindi lang siya ang tao sa mundo mo. Hindi lang siya ang nangangailangan sa 'yo!
Sige, ibuhos mo lahat-lahat sakanya. Sige lang, hayaan mong ilayo ka niya sa mundo mo. Pero baka bukas, kapag nawala siya sa buhay mo, mahirapan kang balikan ang mundong iniwan mo dahil sakanya.
***
Hindi lang ikaw ang tao sa mundo namin. Sana minsan isipin mo 'yun. Mahal ka namin, pero hindi lang laging tungkol sa 'yo ang nangyayari sa mundo namin. Lagi kaming nakikinig sa 'yo. Pero ikaw ba pinakinggan mo ba kami?
Paulit-ulit na kuwento. Hindi naman masama. Pero natanong mo na ba sa sarili mo na minsan gusto rin naming magkuwento sa 'yo. Alam na namin lahat tungkol sa 'yo, pero sige nga, anong alam mo tungkol sa mga buhay namin?
Give and take, dude. Minsan iparamdam mo rin sa amin na espesyal kami sa 'yo, na gusto mo ring pakinggan ang mga kuwento namin, na concern ka rin sa amin.
***
Wala ka pa ngang nasisimulan ayaw mo na? Hindi mo pa nga nasusubukan eh, sinusukuan mo na. Anong balak mong gawin? Hayaang ipamukha sa sarili mo na duwag ka na subukan man lang ang mga bagay-bagay? Gusto mo 'to 'di ba? Pero bakit parang hindi ko nakikitang ganoon ka kadeterminado para makuha 'yun? Wala man lang kahit kaunting effort!
Tapatin mo nga ako. Gusto mo ba talaga? O napipilitan lang dahil wala ka nang ibang pagpipilian? Kung 'yung pangawala, tama ngang tumigil ka na. Hindi lang kayo magiging masaya pareho. Ok lang sana kung ikaw lang eh, pero 'wag ka na sanang mandamay ng iba. 'wag ka na sana uling gumawa pa ng mga bagay-bagay na simula pa lang, alam mo nang hindi mo kayang tapusin at panindigan. Na sa simula palang, alam mong may mga taong masasaktan.
***
Kung hahayaan mong lamunin ka ng buo ng iyong mga alaala, sinasabi ko sa 'yo, ikaw ang kawawa. Hindi ko sinasabing kalimutan mo, ang sa akin lang, 'wag mo sanang gawing hadlang ang mga pangyayari sa nakalipas para sa mga mangyayari pa sana sa hinaharap.
Darating ang panahon, baon ka pa rin sa hinagap ng kahapon, habang lahat ng mga tao sa paligid mo, masaya nang hinaharap ang nangyayari sa kasalukuyan. Ikaw ang talunan. Ikaw ang maiiwan. Huli na nga, wala pang balak humabol.

Labels:
career,
friendship,
life,
love,
quotes,
relationship
Friday, October 3, 2008
Identity?
Isang eksena sa buhay ni Samantha. Pasok! Haha, corny ko talaga. (Samantha Sweeting, lead characted sa novel ni Sophie Kinsella na Undomesticated Goddess. Iris. Nanay ni Nathaniel na love interest ni Samantha sa novel. Si Iris din ang nagturo sakanya magluto. Bakit? Basahin mo nalang basta ‘yung novel. Maganda.)
Kung sa Psych point of view, nasa stage siguro ako ngayon ng “identity searching”. Pero my god dear, parang antagal ko na yata sa stage na ‘to ah! Napag-iiwanan na ba ako? Future searching. Buti sana kung ‘yun lang. Sabi nga ni Iris, hindi kailangan lang na alam mo ‘yung next step mo. Yeah, I agree with her in some cases. Pero paano kapag kahit ‘yung next step mo hindi mo alam?
Samantha: I don’t know who I am. Or what my goal is. Or where I’m headed in life. Or anything.
Iris: It doesn’t matter. Don’t beat yourself up for not knowing all the answers. You don’t always have to know who you are. You don’t have to have the big picture, or where you’re heading. Sometimes it’s enough just to know what you’re going to do next.
Bakit ko nga ba pinorward ang quote na ‘yan via SMS? Hmmm. Bakit nga ba? Siguro nga naka-relate lang ako.
Sa isang lecture namin sa PolSci160, tinanong kami Ma’am Lusterio-Rico, “What’s your identity?” (para sa topic about nation-states and ethnicity) Sabi ko sarili ko, “Ano nga ba?”
Ilang tao ba sa mundong ito ang matapang na nakakapagsabi kung sino ba sila. Kung saang grupo sila kasali. Kung ano ang pinaniniwalaan nila. Kung nasaan na sila sa landas na tinatahak nila. Siguro nga, masuwerte ka kung alam mo. Ako? ‘di ko pa yata siguro.
Kung sa Psych point of view, nasa stage siguro ako ngayon ng “identity searching”. Pero my god dear, parang antagal ko na yata sa stage na ‘to ah! Napag-iiwanan na ba ako? Future searching. Buti sana kung ‘yun lang. Sabi nga ni Iris, hindi kailangan lang na alam mo ‘yung next step mo. Yeah, I agree with her in some cases. Pero paano kapag kahit ‘yung next step mo hindi mo alam?
Labels:
book,
College,
life,
quotes,
sophie kinsella,
undomesticated goddess
Subscribe to:
Posts (Atom)