Search This Blog

Showing posts with label up diliman. Show all posts
Showing posts with label up diliman. Show all posts

Sunday, June 14, 2009

Bluer than Blue

Ano nga bang mga bagay sa mundo ang natural na kulay blue? May homework nung isang araw ang pinsan ko. Kelangan niyang mag-draw ng something na nagrerepresent sa given colors. I helped him, and I think we did well naman sa red, black, yellow, orange, brown, white, violet, etc. Pero pagdating sa color blue... Hmmm. Maliban sa karagatan at kalangitan na mahirap i-drawing, ano nga bang mga bagay pa ang kulay asul?

BLUE. Kakatapos lang ng Independence Day Celebration ng Pilipinas nung isang araw. Naalala ko dati, kapag ganung season, kelangan naming gumawa ng Philippines flag. Required eh. Tapos dapat may stick pa. Dapat tama ang mga kulay at simbolo, dahil bawat isa daw ay may nirerepresenta. Natatawa pa nga ako kapag may mga kaklase akong napagbabaliktad ang kulay blue at red sa flags nila. At tatapusin ko na ang part na ito dahil parang nalito ako ng kauntian kung red nga ba ang nasa ibabaw o blue.

BLUE. May mga confirmed cases na daw ng A(H1N1) virus sa Ateneo. Nakakabahala. Lalo na't halos kapitbahay na ng Fighting Maroons ang Blue Eagles. Actually, dapat nung June 9 pa ang pasok namin, pero dahil nga daw sa A(H1N1), na-move sa June 16. Napanood ko din sa news na nilinis ang campus, at maging ang mga dormitories. Ngunit, nakakabahala pa din talaga. Siguro isa nang dahilan ng pagkabahala ko ay ang pagiging open ng campus, hindi madaling kontrolin ang mga nakakapasok at nakakalabas. So let's be prepared schoolmates. Ingat-ingat.

BLUE. Pasukan na sa Martes! At dahil diyan, here's a tip na nakuha ko sa likod nang NIPS na kulay blue. Ayon daw sa study, mas madali mong mare-recall ang mga notes mo kung nakasulat ito gamit sa color blue na ink. And, mas makaka-focus ka daw sa pag-aaral mo kung nasa paligid mo ay kulay blue, e.g., kung nasa kwarto ka na kulay blue ang pintura. May narinig ako dati na experiment ng Psych students about sa kung anong kulay ng highlighter ang best gamitin, and parang hindi naman yata kulay blue ang lumabas na result. Correct me if I'm wrong, hindi kasi ako sure sa details. Hehe.

BLUE. First time kong gumamit ng blue pens sa LAHAT ng notes ko nung summer. Parang wala namang masyadong pinagkaiba ang paggamit ng blue na tinta kumpara sa black na tinta. Maliban sa mas lumilitaw ang kulay ng sulat ko dahil karaniwang kulay black ang mga printed materials. At maliban sa mas maraming estudyante ang gumagamit ng kulay black, kaya kapag bigayan ng exam results (lalo na kung essay exam), alam mo na agad kung alin dun ang sa 'yo. Hahaha. Pero I don't know, eto na naman ako sa perception/notion ko na mas formal pa rin tingnan ang kulay black kesa sa kulay blue.

BLUE. Dahil birthday ng unang prinsesa ng Tribu na si Charm, pumunta ang ilang ka-Tribu sa kanyang first birthday celebration kanina. Maliban sa inuman, siyempre, may kantahan! Yihee. Isa sa mga kinanta ay ang Blue Jeans ng APO Hiking Society. Matagl ko na siyang napakinggan, pero kanina, bakit ba parang nagpipilit pumasok sa isip ko ang lines na: (Blue jeans) Sige, sige, sige kayod sa ’skwela at balang araw makikita n’yo (Blue jeans) Pagkatapos ng iyong paghihirap, ‘di ka rin makakahanap ng trabaho. Hmmm, bakit kaya ?_?
 
Matapos ang ilang lightyears na pag-iisip, na-realize ko na marami naman palang bagay sa mundo ang kulay blue. May mga taong kulay asul ang mata kahit hindi naka-contacts. Kahit nga mga pusa eh, ilan sa kanila kulay asul ang mata. May mga ibon na may haplos ng kulay asul ang balahibo. May mga isda at ilan pang hayop sa dagat ang may bakat ng kulay asul. May mga halaman na kulay asul. May mga taong may dugong bughaw. May mga blue baby. At may mga taong depressed minsan, kaya ang tawag sa kanila minsan ay blue. HAHAHA! See, blue is everywhere pala. We do not need Blue to find Clues. HAHAHA!

Tanong lang. Mababawasan kaya ang paghanga ng mga bata kay Barney ng mga bata kung maging kulay asul siya? Siguro oo. Sa parehong paraan na isusumpa ko siguro si Doraemon kung naging kulay purple siya.



Monday, March 2, 2009

Ilocos Trip Part II: The AFTERMATH


Sabi ko nga kay Jas, ang maikling trip namin sa Ilocos ay maihahalintulad ko sa 'hell week'.

Kung tuwing 'hell week', ay kinakalimutan nating mga estudyante ang buhay sa labas ng eskwela pansamantala (meaning buhay-Acads lang talaga dahil sa sabay-sabay na requirements, exams, reports, at papers), ang nangyari ngayong weekend ay mirror image ng 'hell week', dahil ang pansamantala kong nakalimutan ay ang buhay Acads ko! Ahahaha.

Bakasyon kung bakasyon! Ang sarap ng buhay ko nung weekend-- walang iniisip na deadline, walang baon na readings, walang papers. Ang tanging problema lang na iniisip ay kung saan ba kami kakain, kung anong oras matutulog, kung anong ipampapasalubong. Sarap buhay! Hahaha.

Dalawang araw palang ang nakakalipas, pero that scenario seems so distant now. Dahil katulad ng 'hell week' na natatapos after ng ilang araw, (o buwan sa iba), ang maikling bakasyon ko ay tapos na. Back to reality. Katulad ng pagatatapos ng isang 'hell week', kung saan unti-unting nagsusulputan muli ang ibang aspeto ng buhay other than Acads, ang pagtatapos ng Ilocos trip ko ay nangangahulugang kailangan ko nang magbalik-loob sa Acads. Hahahahayyyyyy.

At muli, nag-po-pop-up na naman sa utak ko ang ilang mga concerns ko bago ako umalis nung Biyernes.

* Sino nga ba ang nagpayong sa akin nung nagpaulan si God ng katalinuhan sa Science? (specifically sa BIOLOGY!)
* May patutunguhan bang RRL ang topic ko sa PolSci110?
* Kelan kaya gagaling si Sir Saturay?
* Paano ko ba sisimulan ang pagrereview ko para sa Econ third exam?
* Ano kaya mangyayari sa survey namin sa SocSci103?
* Ano kaya grades ko sa mag midterms exams na hindi pa nabibigay results?
* Anong mga subjects ba kukunin ko sa summer?



 

Saturday, January 3, 2009

Kwentong Bakasyon

***

Hello boarding house!
Hello instant noodles!
Hello fastfood chains!
Hello IKOT/TOKI!
Hello Mercury (PHILCOA branch)!
Hello junk foods! Haha!
Hello Diliman campus!
Hello Acads!
Hello readings!
Hello classmates!
Hello INTERNET!
Hello puyatan!
Hello maagang gisingan!
Hello pila sa pagligo!
Hello SC!
Hello BNO!
Hello night life! (haha, JK!)

IN SHORT: CHRISTMAS VACATION IS OFFICIALLY OVER!!! SIMULA NA ULIT NG KLASE!!!

***
"What's The Real Essence of Christmas?"
'Yan ang title ng composition na required isulat ng kapatid ko para sa English III niya.

Naalala ko lang, parang taon-taon, tuwing January, pagbalik ng klase pagkatapos ng Christmas vacation, palagi rin akong pinapasulat ng mga teacher ko noong gradeschool ng ganitong composition. At pati na rin ng ilang mga teacher ko noong high school. Pare-pareho ng theme. CHRISTMAS. At pakiramdam ko, nang mga panahong 'yun, parang pare-pareho din lang ang mga isinusulat ko.

Pero siguro nga, kung ngayon ako pasusulatin ng ganitong composition, mas mag-iiba na. Hindi na tipong kung paano lang ang clique na celebration ng mga Pilipino ng Pasko, hindi lang kung ano ang role ng bawat miyembro ng pamilya sa pagdedecorate ng bahay, hindi lang tungkol sa bibingka at puto bungbong, at sa regalo ng ninong at ninang. Mas malalim na siguro ang laman. At 'yung mula na talaga sa puso. Dahil naniniwala na ako na bawat tao na naniniwala sa pagdiriwang ng Pasko ay may kanya-kanyang kuwento tungkol dito. Charz.

***

Dahil nasa bahay si Tatay, sa kwarto namin natutulog ang kapatid ko. Kapag kasi wala ang Tatay namin, tumatabi siya sa Nanay namin sa kabilang kwarto. So 'ayun, buong bakasyon, halos magkasawaan talaga kami ng mukha ng kapatid ko. Hahaha! Madami-dami din kaming napanood na pelikula. Salamat sa mga pirated DVDs. Natapos din namin ang mga Asianovela na Full House at Hana Kimi. Malawak-lawak din ang naging sakop ng mga napagkuwentuhan namin. Nakalimutan ko na 'yung iba sa sobrang dami. Haha.

Dahil isang malaking duwag ang kapatid ko, hindi puwedeng ako ang maunang matulog sakanya. (At dapat buhay ang ilaw sa likod ng kwarto!) Kaya sabi ko, umisip siya ng gagawin namin para hindi muna ako antukin. Ang mga ginawa namin? Eh 'di naglaro!

1. Pinoy Henyo. Na lagi akong natatalo dahil ang chever ng mga words na iniisip niya.
2. Family Feud.
3. ABKD. Haha, 'yung tipong U-Na-I-Ba-E-Ra-Sa-I-Da-A-Da. Tapos dapat alam mo 'yung word na mabubuo. Pramis, nakakalito kaya!
4. Hindi ko alam kung anong tawag sa laro na 'to. At kung laro ba talaga 'to. Pero iisip ka ng tanong. Tapos iisip ang kalaro mo ng sagot. Halimbawa, BAKIT?. Iisip ka ng tanong na nagsisimula sa BAKIT at iisip naman ang kalaro mo ng puwedeng isagot sa BAKIT. At dahil nga hindi naman talaga magiging related ang sagot niyo, tatawa lang kayo kapag nasabi niyo na ang iniisip ng isa't isa. At naiinis lang ako kapag ang sagot na sinasabi ng kapatid ko kapag BAKIT eh "dahil gusto ni GOD".
5. Card Games! Tong-its. Na sabi niya feeling niya ang galing-galing niya. Bluff. Na kalahati lang ng deck gamit namin dahil dalawa nga lang kami. Dugsungan. Na ginagamitan pala ng strategy.

One time, bored na kami pareho, at gustung-gusto na naming umisip ng bagong laro. Tapos may naalala siya na noon ko lang talaga ulit naalala. Nung gradeschool kasi, kapag walang teacher, madami ding gingawang laro kaming magkaklase. Isa na dito ang laro na nilaro din pala ng mga kaklase ng kapatid ko.

Kukuha ng isang libro. Tapos pipili ka ng gusto mo, right-side ba o left-side. Then every turn ng page, bibilangin niyo kung ilang tao ang naka-drawing. Tapos 'yun 'yung dami ng pitik na ipipitik mo sa kalaban. Hahaha! Ayos ba?!

***

Siguro ngayon, mag-a-agree ako sa reason ng professor ko dati sa Socio 101 kung bakit wala kaming film showing sa klase. Ayon sakanya, hindi daw kasi pare-pareho ang focus ng mga tao sa panonood ng isang pelikula. Kumbaga, iba-iba ang pinapansin natin sa daloy ng pelikula o ang ating mga hindi napapansin dito.

Dahil nga medyo nasulit ko ang bakasyon, minsan nauulit-ulit ko rin ang mga movies na napanood ko na dati. Hindi lang talaga siguro ako likas na mapansinin, pero everytime na mapapanood ko ang isang pelikulang napanood ko na dati, ewan ko ba, may bago at bago pa rin akong mapapansin dito. Minsan 'yung suot ng mga bida. O kaya isang line na binitiwan niya. Basta!

***

Kung totoo man ang sinasabi nila na related ang mga nangyari/ginawa mo/suot mo sa unang araw ng bagong taon (January 1) sa mga natitira pang araw sa taon na 'yun, malamang buong 2009:

1. wala akong load. So paano ba 'yan textmates? Sa 2010 nalang?
2. wala akong pera.
3. mapupuyat ako! (hayyy.)
4. mabaho ako. Dahil hindi ako naligo nung January 1! Ha! (yuck.)
5. makakapagbasa ako ng maraming libro
6. dadalaw-dalawin ng mga pesteng virus ang computer at USB ko.
7. mamalasin ako dahil hindi ko sinuot ang lucky color ko. Whatever.

***

Salamat sa pagbasa. :)

Wednesday, October 29, 2008

Hindi ako GC!!

Kasabay ng pag-enlist sa mga subjects na nais kong kunin sa susunod na semestre, nakikita din sa CRS ang mga grades ko sa mga subjects ko nung nakaraang semestre. (Wala nang classcards!) Kaya eto ako, kagaya ng mga nakaraang semestre, nagmumuni-muni sa mga gradong ibinagay sa akin ng aking mga propesor, mga gradong katumbas ng halos apat na buwan kong pag-upo sa klase, pakikinig at 'di pakikinig kina ma'am at sir, pag-aaral night before the exam day, pagsagot at paghula sa mga exams, paggawa ng papers, paggawa ng report, pagrereport, pagbabasa at pagsscan lang ng sangkatutak na readings, pag-attend sa mga forums, at higit sa lahat, pag-iisip at pagnamnam sa mga itinuro ng aking mga propesor.

Ngayong semestre pinakamababa ang GWA ko. Bakit nga kaya? Sino bang mag-aakalang ang isang absent sa isang klase ay katumbas pala ng additional sanang .25 sa grade ko. Sayang? At ang isa pa sanang puntos sa isa pang subject ay katumbas ng pagtaas din ng .25 sa final grade sa subject na 'yun. Iisipin ko, konti nalang, sayang! Pero andun na 'yun eh. Hindi ako GC!! Inuulit ko, hindi ako GC. At kahit ilang ulit pang sabihin ko sa sarili ko na hindi grades ang sukatan ng pagkatao, may isang bahagi ng utak ko na nagsasabing hindi tungkol sa grado ko ang bottomline ng pinagngingitngit ko. For the nth time, bakit ba hindi ko na naman binigay ang best ko? I mean, ang tamad ko this sem. Gusto kong awayin ang sarili ko, at itanong kung ano ba talagang problema ko. Hindi ba talaga ako para sa course ko kaya nahihirapan ako? O isiniksik ko agad na mahirap at hindi ko kakayanin, kaya nawalan ako ng gana?

C'mon Rea. Sayang na naman ang tuition mo. Hahaha. Sabi ko nga dati, kahit 6K-7K lang 'yun per sem, inilalaan ng magulang ko ang perang 'yun para sa pag-aaral ko, at hindi para sa pag-petiks-petiks. Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan, para hindi ko maasikaso ang mga lectures. Wala ngang boyfriend eh, walang sinalihang org, walang night-outs, walang gala, in short, wala talagang ibang ginagawa.

Hay ewan. Maniniwala ka ba kung sasabihin kong next sem pag-iigihan ko na talaga? Hahaha. =)
Kung nabasa mo siguro 'yung blog ko sa Friendster dati, sasabihin mong hindi na. Pero friends, help me. Hahaha. Convince me. Kaya ko 'to 'di ba? Kaya ko 'to!

Thursday, October 2, 2008

Tulong! (Anong magandang PE?)

Maglalagi na naman ako sa CRS (Computerized Registration System). Online preenlistment na kasi para sa next sem. At kailangan ko na talaga ng PE. Ang tanda ko na. Hahaha.

Nung 1st year 1st sem, PE1 ang PE ko. Boring. Hahaha. Minsan mas matrabaho pa siya sa ibang subjects. To think na hindi naman kasama sa GWA ang grade sa PE. Pero ok lang, marami akong natutunan. Katulad ng kung ilang minutes ang nababawas sa buhay mo kapag nag-sigarilyo ka. Hahaha.

1st year 2nd sem ng medyo nagkaroon ng buhay ang PE ko. At naramdaman ko ang PE. Ramdam na ramdam! Running for Fitness kasi PE ko nun. Every Tuesday at Friday 8-9. Iniikot namin ang Acad Oval. Mapagod. Sobra. Pero sulit. Mataas grade ko. Kahit hindi ko naramdaman ang "Fitness" part. Hahaha. May camping pa kami sa Batangas! Yihee. :)

Nag-summer ako nung sumnmer '06. Isang subject lang nakuha ko nun (PolSci14) at isang PE. Duckpin Bowling! Wow. Eto, enjoy talaga. Kahit na hindi naman kami marunong lahat. Haha. Isang line, isang group. At ayun, kwentuhan kapag hindi pa ikaw ang titira. Hehe. Mataas din grade ko dito, kahit thrice ko lang naman nakita ang prof namin dito. Hehe. Ang hindi ko makalimutan sa mga Duckpin Groupmates ko, 'yung Mega adventure namin. Haha.

Buong 2nd year, wala akong PE. Nung 1st sem, hindi binigay sa akin ng CRS ang mga slot na gusto ko. Nung 2nd sem naman, Bridge 'yung nakuha. (Kahit hindi rin naman talaga ako marunong. Hahaha.) Pero conflict sa Econ ko. At isa pa, si Cases kasi prof. Haha. This sem, nakakuha ako ng CHL, pero conflict sa 160. Eh mas kailangan ko ng major.

Sa 2nd sem, sana naman bigyan na ako ng CRS!! Hahaha. Anong maganda? Last PE ko na 'to, kaya dapat memorable. :)




Search Results for keyword: pe
PE 1  Foundations of Physical Fitness 
PE 2 AD  Aerobic Dance 
PE 2 ARC  Archery 
PE 2 BD  Badminton 
PE 2 BLS  Basic Life Saving 
PE 2 BR  Bridge 
PE 2 BS  Basic Basketball 
PE 2 BW-D  Duck Pin Bowling 
PE 2 BW-T  Basic Ten Pin Bowling 
PE 2 CH  Chess 
PE 2 CHL  Cheerleading 
PE 2 CP  Camping 
PE 2 CWT  Circuit Weight Training 
PE 2 F  Fencing 
PE 2 JU  Judo 
PE 2 LD  Line Dance 
PE 2 MD  Modern Dance 
PE 2 PF  Philippine Folk Dance 
PE 2 PG  Philippine Games 
PE 2 PLT  Pilates 
PE 2 RF  Running For Fitness 
PE 2 SCD  Scuba Diving 
PE 2 SKD  Skin Diving 
PE 2 ST  Stretching 
PE 2 STD  Basic Street Dance 
PE 2 SW  Swimming 
PE 2 TD  Tap Dance 
PE 2 TK  Tae Kwon Do 
PE 2 TN  Lawn Tennis 
PE 2 WF  Walking For Fitness 
PE 2 WT  Weight Training 
PE 3 BW-T  Advanced Ten Pin Bowling 
PE 2 SCR  Scrabble 
PE 2 SD  Basic Social Dance 
PE 3 SCL  Advanced Sport Climbing 
PE 2 BNB  Band And Ball 
PE 2 BLD  Introduction To Belly Dancing 
PE 2 FTSL  Futsal 
PE 3 TK  Advance Tae Kwon Do 
PE 2 CT  Circuit Trainig 
PE 2 LTD  Latin Ballroom Dances 
PE 2 MBD  Modern Ballroom Dances 
PE 3 CH  ADVANCED CHESS 
PE 3 LD  LINE DANCE 
PE 2 FIN  FIN SWIMMING 
PE 2 TMB  TEAM BUILDING 
PE 2 TR  Touch Rugby 
PE 2 MJG  MAHJONG