Search This Blog

Saturday, January 3, 2009

Kwentong Bakasyon

***

Hello boarding house!
Hello instant noodles!
Hello fastfood chains!
Hello IKOT/TOKI!
Hello Mercury (PHILCOA branch)!
Hello junk foods! Haha!
Hello Diliman campus!
Hello Acads!
Hello readings!
Hello classmates!
Hello INTERNET!
Hello puyatan!
Hello maagang gisingan!
Hello pila sa pagligo!
Hello SC!
Hello BNO!
Hello night life! (haha, JK!)

IN SHORT: CHRISTMAS VACATION IS OFFICIALLY OVER!!! SIMULA NA ULIT NG KLASE!!!

***
"What's The Real Essence of Christmas?"
'Yan ang title ng composition na required isulat ng kapatid ko para sa English III niya.

Naalala ko lang, parang taon-taon, tuwing January, pagbalik ng klase pagkatapos ng Christmas vacation, palagi rin akong pinapasulat ng mga teacher ko noong gradeschool ng ganitong composition. At pati na rin ng ilang mga teacher ko noong high school. Pare-pareho ng theme. CHRISTMAS. At pakiramdam ko, nang mga panahong 'yun, parang pare-pareho din lang ang mga isinusulat ko.

Pero siguro nga, kung ngayon ako pasusulatin ng ganitong composition, mas mag-iiba na. Hindi na tipong kung paano lang ang clique na celebration ng mga Pilipino ng Pasko, hindi lang kung ano ang role ng bawat miyembro ng pamilya sa pagdedecorate ng bahay, hindi lang tungkol sa bibingka at puto bungbong, at sa regalo ng ninong at ninang. Mas malalim na siguro ang laman. At 'yung mula na talaga sa puso. Dahil naniniwala na ako na bawat tao na naniniwala sa pagdiriwang ng Pasko ay may kanya-kanyang kuwento tungkol dito. Charz.

***

Dahil nasa bahay si Tatay, sa kwarto namin natutulog ang kapatid ko. Kapag kasi wala ang Tatay namin, tumatabi siya sa Nanay namin sa kabilang kwarto. So 'ayun, buong bakasyon, halos magkasawaan talaga kami ng mukha ng kapatid ko. Hahaha! Madami-dami din kaming napanood na pelikula. Salamat sa mga pirated DVDs. Natapos din namin ang mga Asianovela na Full House at Hana Kimi. Malawak-lawak din ang naging sakop ng mga napagkuwentuhan namin. Nakalimutan ko na 'yung iba sa sobrang dami. Haha.

Dahil isang malaking duwag ang kapatid ko, hindi puwedeng ako ang maunang matulog sakanya. (At dapat buhay ang ilaw sa likod ng kwarto!) Kaya sabi ko, umisip siya ng gagawin namin para hindi muna ako antukin. Ang mga ginawa namin? Eh 'di naglaro!

1. Pinoy Henyo. Na lagi akong natatalo dahil ang chever ng mga words na iniisip niya.
2. Family Feud.
3. ABKD. Haha, 'yung tipong U-Na-I-Ba-E-Ra-Sa-I-Da-A-Da. Tapos dapat alam mo 'yung word na mabubuo. Pramis, nakakalito kaya!
4. Hindi ko alam kung anong tawag sa laro na 'to. At kung laro ba talaga 'to. Pero iisip ka ng tanong. Tapos iisip ang kalaro mo ng sagot. Halimbawa, BAKIT?. Iisip ka ng tanong na nagsisimula sa BAKIT at iisip naman ang kalaro mo ng puwedeng isagot sa BAKIT. At dahil nga hindi naman talaga magiging related ang sagot niyo, tatawa lang kayo kapag nasabi niyo na ang iniisip ng isa't isa. At naiinis lang ako kapag ang sagot na sinasabi ng kapatid ko kapag BAKIT eh "dahil gusto ni GOD".
5. Card Games! Tong-its. Na sabi niya feeling niya ang galing-galing niya. Bluff. Na kalahati lang ng deck gamit namin dahil dalawa nga lang kami. Dugsungan. Na ginagamitan pala ng strategy.

One time, bored na kami pareho, at gustung-gusto na naming umisip ng bagong laro. Tapos may naalala siya na noon ko lang talaga ulit naalala. Nung gradeschool kasi, kapag walang teacher, madami ding gingawang laro kaming magkaklase. Isa na dito ang laro na nilaro din pala ng mga kaklase ng kapatid ko.

Kukuha ng isang libro. Tapos pipili ka ng gusto mo, right-side ba o left-side. Then every turn ng page, bibilangin niyo kung ilang tao ang naka-drawing. Tapos 'yun 'yung dami ng pitik na ipipitik mo sa kalaban. Hahaha! Ayos ba?!

***

Siguro ngayon, mag-a-agree ako sa reason ng professor ko dati sa Socio 101 kung bakit wala kaming film showing sa klase. Ayon sakanya, hindi daw kasi pare-pareho ang focus ng mga tao sa panonood ng isang pelikula. Kumbaga, iba-iba ang pinapansin natin sa daloy ng pelikula o ang ating mga hindi napapansin dito.

Dahil nga medyo nasulit ko ang bakasyon, minsan nauulit-ulit ko rin ang mga movies na napanood ko na dati. Hindi lang talaga siguro ako likas na mapansinin, pero everytime na mapapanood ko ang isang pelikulang napanood ko na dati, ewan ko ba, may bago at bago pa rin akong mapapansin dito. Minsan 'yung suot ng mga bida. O kaya isang line na binitiwan niya. Basta!

***

Kung totoo man ang sinasabi nila na related ang mga nangyari/ginawa mo/suot mo sa unang araw ng bagong taon (January 1) sa mga natitira pang araw sa taon na 'yun, malamang buong 2009:

1. wala akong load. So paano ba 'yan textmates? Sa 2010 nalang?
2. wala akong pera.
3. mapupuyat ako! (hayyy.)
4. mabaho ako. Dahil hindi ako naligo nung January 1! Ha! (yuck.)
5. makakapagbasa ako ng maraming libro
6. dadalaw-dalawin ng mga pesteng virus ang computer at USB ko.
7. mamalasin ako dahil hindi ko sinuot ang lucky color ko. Whatever.

***

Salamat sa pagbasa. :)

8 comments:

  1. oo nga. kahapon ko lang ginawa 'yung saken. haha.

    absent ka kanina? parang di kita nakita.

    ReplyDelete
  2. hahaha. naku. wag lang sana magkatotoo 'yung marami. haha! :)

    ReplyDelete
  3. oo nga eh, nakakaasar, wrong timing pagsama ng pakiramdam ko, natapos ko na kasi kahapon taz nung umaga naman sumama ang pakiramdam ko, di rin tuloy ako nakapasok sa econ, aww

    ReplyDelete
  4. ah kaya pala. pagaling ka. see you tomorrow. :)

    ReplyDelete
  5. actually ok naman yung pakiramdam ko nung hapon, nakapasok nga ako nung hapon eh

    ReplyDelete