I quote Kadate, BUHAY PA NGA ANG TRIBU! =)
Mula nang grumaduate kami nung HS, nakaugalian na ng Tribung Chakanah (Special Science Class of LPNHS Batch 2006) na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagkakaibigan, pag-tsismukan, pag-inuman, at pagkulitan. Kahit hindi na official, we still vote for officers, or Executive Commitee. (Na tinawag ding Maharlika nang Execomm Batch 2008.) And then, they HAVE TO oragnize three major assemblies-- one for summer, isa sa sem break, at isa kapag Christmas break.
Last weekend, ay pinasiyaan ang unang activity ng ExeComm Batch 2009. At siyempre, nakasama ako! Wooh. Mabuhay! Sobrang nag-enjoy ako. At siyempre, sila ang dahilan kung bakit:
1. Paulo- Si Paulo yata ang sobrang busy sa pang-aakit sa Tribu. Mapa-Friendster, o mapa-text man. Natutuwa ako kay Paulo, lalo na ng malaman niya na kaklase pala niya si Kadate nung kinder. Hehe. Isa si Paulo sa mga pinaka-kwela sa Tribu. Sobra.
2. Intung- Banda rito, banda roon. Dinaig ni Intung ang haba ng buhok ko. Wow. Hehehe. Idol ko 'yan. Maliban sa pagkanta at pagpinta, ang isang gustung-gusto ko kay Intung ay 'yun bang alam kong pinapakinggan niya ako. 'Yung kapag kausap ko siya, nararamdaman kong mula sa loob niya na interesado siya sa mga kwento ko.
3. Allan- Ang Math major. At ang adik sa usok. Hahaha. Peace. Ngayon ko lang nakita ulit si Allan. Pero kahit ganun na katagal mula nung huli kaming nagkita, alam kong sa likod nang mga usok, siya pa rin ang Allan na partner ko dati sa Math Investigatory contest.
4. Redentor- Tuwing may groupings, parang lagi ko nalang ka-group ko si Redentor. Hahaha. Kwela din to. At higit sa lahat, super support sa Tribu, kaya naman parang sobrang naging ka-close na rin siya ng mga Chakah. Naalala ko lang talaga nung may charades, at tinuro niya si Carl para sa word na "plastic". Bwahahaha.
5. Hannah- si Munchkins. Yihee. Napakasarap yakapin ni Munchkins. HS palang, isa na yata siya sa pinakamaasikaso sa Tribu. Pero nung weekend, hindi yata nakayanan ang alak. Hehehe. Grabe naman kasi, sobrang kinabahan ako sa nangyari sakanya. Buti nalang okay na siya nung nag-umaga na.
6. Erik- si Pugi ay BF ni Munchkins. At kakailanganin natin ng mahaba-habang oras para talakayin ang love story nila. Kaya wag nalang ba. Hehe. Okay si Erik, as in sobrang okay. Tw thumbs-up for Erik.
7. Portia- si Fave ko. Ang seatmate ko sa napakaraming subject nung HS. Ngayon ko lang ulit nakita si Fave. At nakakatuwa na pakiramdam ko ay sobrang happy niya.
8. MJ- siguro nga ay isa si MJ sa dahilan ng kasiyahan ni Fave. Uyyy. BF ni Fave si MJ. Ang kababayan ni PacMan. Hehe.
9. Kevin- si Kinakapatid. Ang Bamboo ng Tribu. Pero tumataba na daw at nagkakalaman na sabi nila. Kaparehas ko pala ng routine si Kevin, alas-4 ng umaga ang tulog, at late na ng gising. Hehe. Ang nagpaypay kay Hannah nang sumama ang pakiramdam nito.
10. Ruben- si Krubz. Ang pinakamaaga nung Friday! Hahaha. Ang kasabay kong nag-halo-halo sa Emmy's. Ang batang masipag mag-GM. Oo man! Hahaha. Ang tanging taong nakaintindihan ko nang bitiwan niya ang "may kasamang isang waiter" na joke. At, ang ka-tribung ayaw malamukan at malamigan. Hahaha.
11. Carl- si Roommate. Hahahaha! Ang lalaking minsan nang natulog sa kwarto ko sa boarding house. Kung pipilitin akong maglista ng sampung pinaka-creative na tao sa buhay ko, kaunahan siya sa listahan ko. Si Carl yata ang kasama kong nangarap, isang araw bago kami grumaduate nung HS. (Haha, ewan ko kung natandaan pa niya 'yun.) Kahit schoolmates pa rin kami ngayon, hindi ko na rin naman siya nakakasalubong masyado. Kaya kelan kaya matutuloy ang bonggang-bonggang food trip namin?
12. Ianne- si Shongaerz. Akala ko hindi siya sasama. Ayan tuloy, hindi ko nadala si Whoopee, aka ___pee. Hahaha. Si Shonga ay matagal ko nang kaibigan. At si Whoopee ang saksi dito. Si Whoopee ay isang notebook na ka-kulay ni Barney. Nung 2nd year HS, kapag wala kaming magawa sa AP (na halos araw-araw), ay nagsusulatan kami. Tuwing binabasa ko si Whoopee, andami-dami kong naalala. Hayyy. Haha. Hindi ko man siya masyadong naka-bonding, napatunayan kong hanggang ngayon ay faborito pa rin niya ang kulay purple. Hahaha. I miss Ianne. =)
13. Karen- si Best ko. Kung nagbabasa ka na ng blogs ko dati pa, maaalala mong may entry ako na para sakanya. Pero kung hindi mo alam or hindi mo maalala, you can see it here. Hindi rin nga siguro ako mapipilitang sumama kung hindi ako inaya ni Best. at dahil sumama na nga ako dahil sakanya, nalaman ko tuloy na hindi na pala uso ang NBSB (No Boyfriend Since Birth) o ang NOBSB (No Official Boyfriend Since Birth). Alam mo kung ano na? NBSE. No Boyfriend Since Ex. Panalo! Hahaha. At salamat kay Best dahil kung wala ang phone niya, wala kaming mga pictures. Yehey!
14. Kamla- si KaDate ko. Ah ah, kung bakit ganun ang tawagan namin ay basahin mo nalang sa blog niya. Hehe. Si Kadate ang editor-in-chief ng college paper nila, ang The Footprints. At sobrang na-touch ako ng bigyan niya ako ng kopya nito. Awww. Kung idol ko si Kadate sa online world, na-realize ko this weekend na ang closeness namin ay beyond the cyberspace. Sobrang nag-enjoy ako sa mga pinag-uusapan namin. At higit sa lahat, aakalain ko bang parehas kami ng lebel ng humor? 'Yung about sa missed call at sa Korean student dati na naging classmate namin. Hahaha, ang galing talaga.
So obviously, ako 'yung pang fifteen. Yuhoo. =D Kaya ayan, sa mga ka-Tribung hindi sumama, MAINGGIT GA KAYO! Hahaha, joke lang. May next time pa naman eh. Sana. =)
waw nakakatouch naman yung comment sa akin! shet hayaan mo!!! go pag-ibig!
ReplyDeletewow...reunion yan rea?hehe...tagal mong nawala sa multiply a...inaabangan ko na ang mga message mo...hehehe
ReplyDeleteAhaha! Ibig sabihin lang n'yan, madali nating makita ang error sa isang joke. 'Yung mga hindi tumawa, they are either SLOW or they did not get the joke at all. Hihihi lablabs! :)
ReplyDeletego pag-ibig? aba hanggang ngayon may ganang linya? yuhoo. hahaha.
ReplyDeleteyup, medyo reunion. haha.
ReplyDeletenaku oo nga eh, busy kasi sa major, tapos gumala nung weekend.
pero i'm back!!! hahaha.
Lablabs kadate. Hahaha, naalala ko tuloy 'yung classmates ni Joan na Vietnamese. Hahaha.
ReplyDeletegood your back! welcome back...hahaha...cge hintayin ko muna reply mo sa huling messages ko sau at sa mga bago kong posts...hahaha...bago kita kwentuhan ng mga bagong pangyayari...hehe...pero wel...hnggang ngaun hnd pa rn xa namamati...hehehe
ReplyDeletesiyet!! nakakagalak naman... talagang super effort kah best ha!! at nde mo nalimutan ung NBSE... atleast khet papano may napamana pala ako sau..hehe!!! uhy!! i wana see da blog dat u made bout me...
ReplyDeletehaha, thank u. naku oo nga, andami mo na yatang post. di ko pa nakikita. hehe. hala liza, 9 days nalang!!
ReplyDeletebest andito lang 'yun, hanap-hanapin mo lang. hahaha. or click mo lang 'yung word na "here" sa item no. 13. yihee. =)
ReplyDeletesyempre, naaliw ako sa NBSE na un eh. panalo! haha.
wahhh...ano na bang dapat kong gawin...paunti na ng paunti ang mga araw...:'(
ReplyDelete