Search This Blog

Tuesday, July 28, 2009

PGMA's (Last?) SONA


Dahil naiinggit ako sa mga nag-blog na tungkol sa SONA 2009... hindi ako gagaya sa kanila! Kahit na nate-tempt akong dumada. Kahit na buong Monday afternoon ko ay SONA mode. Kahit na 3PM palang ay pinapanood ko na sa Channel 9 ang pre-SONA chorvs nila. Kahit na hindi ko inalis ang tingin ko kay Pangulong Arroyo sa loob ng humigit-kumulang isang oras. Kahit na ninamnam ko ang nawat salita. So sorry ka, wala kang makukuhang reaksiyon ko dito tungkol sa SONA 2009. Dahil... una, parang lahat naman ng gusto kong sabihin nasabi na ng iba. Baka maumay ka lang. At pangalawa... tinatamad lang talaga akong mag-type. BUSY ako! HAHAHA. Tapos sayang ang space! HAHAHA.
Wala naman talaga akong pakelam sa SONA dati. Una lang akong nagkumahog mapanood ang SONA ay noong 2006. Required kasi kaming manood at gumawa ng reaction paper para sa PolSc 11. Natatandaan ko, walang pasok noon. Kaya sabi ng propesor, wala kaming dahilan para hindi makapanood. Pero ako? Nasa mall ako nun. Kay sa totoong buhay, sa Internet ko lang pinanood ang SONA 2006. San ka pa? Na-pa-pause na, puwede pang i-rewind! Tapos may full-text pa na puwedeng i-download! HAHAHA.
Natago ko pa ang reaction papaer ko na ‘yun. Hindi ko alam kung bakit ko tinago. Siguro dahil memoranle siya dahil ‘yun ‘yung unang papel na kinailangan kong isumite para sa isang major subject? Siguro dahil nagandahan ako sa handwriting ko doon? (Remembrance para maipaalala ko sa sarili ko na puwede ring gumanda ang handwriting ko paminsan-minsan. HAHAHA.) Or masinop lang talaga akong bata. Kunwari pa-OC. Ganun. HAHAHA!
Itanong mo kung anong grade ko dun. 2.75. Oo, 2.75!! Wow, ang baba. Hindi naman ganun ka-pula ‘yung papel. Pero nahiya naman ako sa sarili ko nung binasa ko siya kani-kanina lang. Kung ngayon ko bibigyan ng grade ang sarili ko, 4.0 siguro ibibigay ko. Pero dahil mabait ako, 3.0 nalang para sa effort. Hehe.
Ambabaw ko! Walang kwenta. Tsk tsk. Sinulat ko ‘to?! Ganun pala ako dati? Hmmm. Hindi ko naman sinasabing napakalalim ko nang tao ngayon. Pero siguro maiintindihan mo kung sasabihin kong habang tumatanda pala tayo, mas naiintindihan natin ang ibang mga bagay. Pero hindi ko rin sinasabing matanda na ako. May ilan lang talagang mga pangyayari ang minsang mag-uudyok na sabihan mo ang sarili mo na mas nag-mature ka na kaysa dati.
Lessons Learned: Kailangang tumingin tayo beyond the flashed images. Kailangang pakinggan ang mga bulong kahit na andami nang sumisigaw. Kailangang pakiramdaman ng higit sa kung ano lang ang ipinaparamdam. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, katotohanan ang lalapit sa ‘yo. Minsan, ikaw ang kailangang humanap sa katotohanan. Tipong “Katotohanan, wer na u? D2 na me.” (Sorry, hindi talaga puwedeng walang corny part. HAHA!)
Gusto ko ba si Gloria? Hindi ko pa napagdedesisyunan. Hindi ako ANTI-Gloria, pero minsan galit ako sakanya. Hindi rin ako PRO-Gloria, pero minsan gusto ko siya. Balimbing mode? Siguro nga oo. Pero kesa naman pilitin ko ang sarili ko na lumugar sa isang panig na hindi ko naman lubusang nalalasap.


Thursday, July 9, 2009

DEAR RIZAL

Dear Rizal,

Hindi mo ako kilala. Pero ikaw, kilala kita. Dati pa. Bata palang ako pinagmumudmuran na sa mukha ko kung sino ka. Kalabaw palang ang likod ng dating piso, namumukhaan na kita. Hindi ko inakalang ngayong semestreng ito, apat na araw sa isang linggo kitang makakasama. Pero wala akong 196 kahapon, at wala ulit bukas, kaya naman dalawang beses lang ngayong linggo. Ayos. Medyo nagsasawa na kasi ako sa iyo. Don't get me wrong. Napakakulay ng buhay mo para pag-aralan. Napaka-fascinating ng mundong ginalawan mo noon. Pero ewan, information overload ba ang tawag? Sa PI 100, binubusog ako ng bayograpiya ng buhay mo. Pati mga tsismis ukol sa 'yo. Pati mga cute na bagay tungkol sa 'yo. At sa 196 naman, ikaw ang kauna-unahang Filipino political thinker na dinis-cuss namin. Isama pa ang may kauntiang istorya ng Pilipinas sa panahon mo. Cool. Sikat ka talaga!

Kung nabuhay ka kaya sa panahong ngayon, iba siguro ang takbo ng buhay mo. Mag-memessage ka nalang siguro kay Blumentritt via Facebook. Hindi mo na kokopyahin sa sulat kamay ang history ni Morga, may photocopy na eh. Mas madali na ang pagpapakalat ng Noli at Fili via e-mail. At ang "Memorias de un Estudiante de Manila" mo, i-bblog mo nalang din kaya? Hindi mo na gagastusin ang halos lahat ng iyong allowance para sa mga libro dahil may internet at e-books na. Mai-rerecord mo rin nga siguro sa MP3 ang mga tugtugin ni Leonor sa piano, para feeling mo, lagi kayong magkasama.

Ngunit kung ngayon ka nga siguro nabuhay, wala na ang mga deskripyong hitik sa paglalarawan. Titipirin mo siguro ang mga letra sa mga texts mo sa mga kamag-anak mo. Wala ka na sigurong oras para manood ng mga palabas sa teatro dahil sa dami ng mas nakakaaliw na bagay na pupukaw sa atensiyon mo. Wala na ang mga larawang kathang-kamay mo habang nakasakay ka noon sa bapor na papuntang Europa. Naka-eroplano ka na siguro. Or kung magbabarko ka siguro, may digicam ka na, tapos edit-edit nalang sa Photoshop.

Hay Rizal. Ano bang pakiramdam ng hinahalukay ang buhay mo ng kung sinu-sino? Katulad ko, keber kitang intindihin dahil kailangan kita ngayong semestre para maipasa ang dalawang subjects ko. Pero after ng sem na ito, dig pa kaya kita? May kuwenta ka sa akin ngayon, pero sampu ng mga estudyante, magiging ano kayang papel mo sa amin matapos naming lumabas sa apat na sulok ng classroom?

Sige na, next time ulit. Madami pa akong bagay na dapat pag-isipan eh. Wala pa akong topic sa 199. AS IN WALA PA TALAGA! Tapos exam na namin sa Thursday. Kelangan ko pa magbasa sa 152. At sa 183. Tapos STS pa. HAYYY. Eto yata pinakamabigat kong sem. Buti ka pa, namamahinga na diyan.


Nagmamahal,

Rea




Sunday, June 14, 2009

Bluer than Blue

Ano nga bang mga bagay sa mundo ang natural na kulay blue? May homework nung isang araw ang pinsan ko. Kelangan niyang mag-draw ng something na nagrerepresent sa given colors. I helped him, and I think we did well naman sa red, black, yellow, orange, brown, white, violet, etc. Pero pagdating sa color blue... Hmmm. Maliban sa karagatan at kalangitan na mahirap i-drawing, ano nga bang mga bagay pa ang kulay asul?

BLUE. Kakatapos lang ng Independence Day Celebration ng Pilipinas nung isang araw. Naalala ko dati, kapag ganung season, kelangan naming gumawa ng Philippines flag. Required eh. Tapos dapat may stick pa. Dapat tama ang mga kulay at simbolo, dahil bawat isa daw ay may nirerepresenta. Natatawa pa nga ako kapag may mga kaklase akong napagbabaliktad ang kulay blue at red sa flags nila. At tatapusin ko na ang part na ito dahil parang nalito ako ng kauntian kung red nga ba ang nasa ibabaw o blue.

BLUE. May mga confirmed cases na daw ng A(H1N1) virus sa Ateneo. Nakakabahala. Lalo na't halos kapitbahay na ng Fighting Maroons ang Blue Eagles. Actually, dapat nung June 9 pa ang pasok namin, pero dahil nga daw sa A(H1N1), na-move sa June 16. Napanood ko din sa news na nilinis ang campus, at maging ang mga dormitories. Ngunit, nakakabahala pa din talaga. Siguro isa nang dahilan ng pagkabahala ko ay ang pagiging open ng campus, hindi madaling kontrolin ang mga nakakapasok at nakakalabas. So let's be prepared schoolmates. Ingat-ingat.

BLUE. Pasukan na sa Martes! At dahil diyan, here's a tip na nakuha ko sa likod nang NIPS na kulay blue. Ayon daw sa study, mas madali mong mare-recall ang mga notes mo kung nakasulat ito gamit sa color blue na ink. And, mas makaka-focus ka daw sa pag-aaral mo kung nasa paligid mo ay kulay blue, e.g., kung nasa kwarto ka na kulay blue ang pintura. May narinig ako dati na experiment ng Psych students about sa kung anong kulay ng highlighter ang best gamitin, and parang hindi naman yata kulay blue ang lumabas na result. Correct me if I'm wrong, hindi kasi ako sure sa details. Hehe.

BLUE. First time kong gumamit ng blue pens sa LAHAT ng notes ko nung summer. Parang wala namang masyadong pinagkaiba ang paggamit ng blue na tinta kumpara sa black na tinta. Maliban sa mas lumilitaw ang kulay ng sulat ko dahil karaniwang kulay black ang mga printed materials. At maliban sa mas maraming estudyante ang gumagamit ng kulay black, kaya kapag bigayan ng exam results (lalo na kung essay exam), alam mo na agad kung alin dun ang sa 'yo. Hahaha. Pero I don't know, eto na naman ako sa perception/notion ko na mas formal pa rin tingnan ang kulay black kesa sa kulay blue.

BLUE. Dahil birthday ng unang prinsesa ng Tribu na si Charm, pumunta ang ilang ka-Tribu sa kanyang first birthday celebration kanina. Maliban sa inuman, siyempre, may kantahan! Yihee. Isa sa mga kinanta ay ang Blue Jeans ng APO Hiking Society. Matagl ko na siyang napakinggan, pero kanina, bakit ba parang nagpipilit pumasok sa isip ko ang lines na: (Blue jeans) Sige, sige, sige kayod sa ’skwela at balang araw makikita n’yo (Blue jeans) Pagkatapos ng iyong paghihirap, ‘di ka rin makakahanap ng trabaho. Hmmm, bakit kaya ?_?
 
Matapos ang ilang lightyears na pag-iisip, na-realize ko na marami naman palang bagay sa mundo ang kulay blue. May mga taong kulay asul ang mata kahit hindi naka-contacts. Kahit nga mga pusa eh, ilan sa kanila kulay asul ang mata. May mga ibon na may haplos ng kulay asul ang balahibo. May mga isda at ilan pang hayop sa dagat ang may bakat ng kulay asul. May mga halaman na kulay asul. May mga taong may dugong bughaw. May mga blue baby. At may mga taong depressed minsan, kaya ang tawag sa kanila minsan ay blue. HAHAHA! See, blue is everywhere pala. We do not need Blue to find Clues. HAHAHA!

Tanong lang. Mababawasan kaya ang paghanga ng mga bata kay Barney ng mga bata kung maging kulay asul siya? Siguro oo. Sa parehong paraan na isusumpa ko siguro si Doraemon kung naging kulay purple siya.



Monday, May 25, 2009

Ano kayang issue ang magpapatlbog sa Hayden Kho-Katrina Halili scandal?

Nakakatawang mula sa pagka-LSS ko sa Runaway (na theme song ng Juday-Ryan wedding) ay nalipat ito sa... CARELESS WHISPER! Kung updated ka sa mga headlines ng mga balita, alam mo na 'yun kung bakit! Hahaha. Or kung hindi pa, okay, sasabihin ko sa 'yo. Ang Careless Whisper kasi ang background music ng isang video nina Hayden Kho at Katrina Halili na napanood ko sa YouTube.

Much has been said. Napakinggan na ang bawat panig. Kinilatis na ang mga taong involved. Nakisali ang mga gustong makisali. Nahango sa baul ang ibang issue na kaugnay sa Hayden-Katrina scandal. Nagkaroon ng mga bagong issue na related sa issue. Naging pungchline ng mga joke sa TV at sa isang normal na usap-usapan. Naging laman ng mga forwarded messages tulad nito:
 

Kapag nakasalubong mo si Katrina at nag-HI siya sa 'yo, sabihin mo, "HAY DEN!"

At eto pa:
 

Lesson from the circulating scandal today: Kapag nasa "KAT-RI-NA", tingnan muna kung may "HAYDEN" camera.

Dahil sa scandal nina Katrina at Dr. Hayden, naungkat ang ilang mga isyu katulad ng sex videos, improving technology sa pag-uupload ng mga videos, piniratang DVDs, at maging kung problema ba sa utak ang perversion. Hindi ko alam kung sakto ito sa eskandalo ngayon, ngunit mayroon palang teorya si Anthony Downs tungkol sa ISSUE-AWARENESS CYCLE, kung saan ang pagtrato ng public sa isang issue o problema ay dumadaan sa limang magkakasunod na stages, kung saan ang duration ng isang stage ay iba-iba. Una ko itong nakita sa isang required reading sa Politics of the Environment. At narito ang limang stages according to anthonydowns.com.
 

1. The pre-problem stage. Mayroong issue o problema na nag-e-exist ngunit hindi wala ito sa pansin ng madla. 

2. Alarmed discovery and euphoric enthusiasm. Magkakaron ng isang kagulat-gulat na pangyayari na yayanig sa mga tao at magiging dahilan ng mataas na awareness ng tao sa isang issue o problema.
 

3. Realizing the cost of significant progress. Mas lalong lalawig ang kaalaman ng tao ukol sa issue o problema, at magkakaroon ng awareness ang madla ukol sa halaga ng oras, pera, at effort para masolusyunan ang issue o problema.

4. Gradual decline of intense public interest. Unti-unting mawawala sa pang-araw-araw na buhay ng tao ang issue o problema. Una, dahil sa marerealize nila na wala naman silang magagawa para masolusyunan ang issue o problema, o ikawala, dahil na-bo-bore lang talaga sila.


5. The post-problem stage. At ang huli, mawawala na ng lubos ang awreness ng tao sa isang issue o problema dahil mapapalitan ito ng bagong issue.


Come to think of it, ano kayang issue ang magpapatalbog sa Hayden Kho-Katrina Halili scandal? ;)

Monday, May 4, 2009

The FiveTeen People You'll Meet in Batis (Kung andun ka nung May 1)

I quote Kadate, BUHAY PA NGA ANG TRIBU! =)

Mula nang grumaduate kami nung HS, nakaugalian na ng Tribung Chakanah (Special Science Class of LPNHS Batch 2006) na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagkakaibigan, pag-tsismukan, pag-inuman, at pagkulitan. Kahit hindi na official, we still vote for officers, or Executive Commitee. (Na tinawag ding Maharlika nang Execomm Batch 2008.) And then, they HAVE TO oragnize three major assemblies-- one for summer, isa sa sem break, at isa kapag Christmas break.

Last weekend, ay pinasiyaan ang unang activity ng ExeComm Batch 2009. At siyempre, nakasama ako! Wooh. Mabuhay! Sobrang nag-enjoy ako. At siyempre, sila ang dahilan kung bakit:

1. Paulo- Si Paulo yata ang sobrang busy sa pang-aakit sa Tribu. Mapa-Friendster, o mapa-text man. Natutuwa ako kay Paulo, lalo na ng malaman niya na kaklase pala niya si Kadate nung kinder. Hehe. Isa si Paulo sa mga pinaka-kwela sa Tribu. Sobra.

2. Intung- Banda rito, banda roon. Dinaig ni Intung ang haba ng buhok ko. Wow. Hehehe. Idol ko 'yan. Maliban sa pagkanta at pagpinta, ang isang gustung-gusto ko kay Intung ay 'yun bang alam kong pinapakinggan niya ako. 'Yung kapag kausap ko siya, nararamdaman kong mula sa loob niya na interesado siya sa mga kwento ko.

3. Allan- Ang Math major. At ang adik sa usok. Hahaha. Peace. Ngayon ko lang nakita ulit si Allan. Pero kahit ganun na katagal mula nung huli kaming nagkita, alam kong sa likod nang mga usok, siya pa rin ang Allan na partner ko dati sa Math Investigatory contest.

4. Redentor- Tuwing may groupings, parang lagi ko nalang ka-group ko si Redentor. Hahaha. Kwela din to. At higit sa lahat, super support sa Tribu, kaya naman parang sobrang naging ka-close na rin siya ng mga Chakah. Naalala ko lang talaga nung may charades, at tinuro niya si Carl para sa word na "plastic".  Bwahahaha.

5. Hannah- si Munchkins. Yihee. Napakasarap yakapin ni Munchkins. HS palang, isa na yata siya sa pinakamaasikaso sa Tribu. Pero nung weekend, hindi yata nakayanan ang alak. Hehehe. Grabe naman kasi, sobrang kinabahan ako sa nangyari sakanya. Buti nalang okay na siya nung nag-umaga na.

6. Erik- si Pugi ay BF ni Munchkins. At kakailanganin natin ng mahaba-habang oras para talakayin ang love story nila. Kaya wag nalang ba. Hehe. Okay si Erik, as in sobrang okay. Tw thumbs-up for Erik.

7. Portia- si Fave ko. Ang seatmate ko sa napakaraming subject nung HS. Ngayon ko lang ulit nakita si Fave. At nakakatuwa na pakiramdam ko ay sobrang happy niya.

8. MJ- siguro nga ay isa si MJ sa dahilan ng kasiyahan ni Fave. Uyyy. BF ni Fave si MJ. Ang kababayan ni PacMan. Hehe.

9. Kevin- si Kinakapatid. Ang Bamboo ng Tribu. Pero tumataba na daw at nagkakalaman na sabi nila. Kaparehas ko pala ng routine si Kevin, alas-4 ng umaga ang tulog, at late na ng gising. Hehe. Ang nagpaypay kay Hannah nang sumama ang pakiramdam nito.

10. Ruben- si Krubz. Ang pinakamaaga nung Friday! Hahaha. Ang kasabay kong nag-halo-halo sa Emmy's. Ang batang masipag mag-GM. Oo man! Hahaha. Ang tanging taong nakaintindihan ko nang bitiwan niya ang "may kasamang isang waiter" na joke. At, ang ka-tribung ayaw malamukan at malamigan. Hahaha.

11. Carl- si Roommate. Hahahaha! Ang lalaking minsan nang natulog sa kwarto ko sa boarding house. Kung pipilitin akong maglista ng sampung pinaka-creative na tao sa buhay ko, kaunahan siya sa listahan ko. Si Carl yata ang kasama kong nangarap, isang araw bago kami grumaduate nung HS. (Haha, ewan ko kung natandaan pa niya 'yun.) Kahit schoolmates pa rin kami ngayon, hindi ko na rin naman siya nakakasalubong masyado. Kaya kelan kaya matutuloy ang bonggang-bonggang food trip namin?

12. Ianne- si Shongaerz. Akala ko hindi siya sasama. Ayan tuloy, hindi ko nadala si Whoopee, aka ___pee. Hahaha. Si Shonga ay matagal ko nang kaibigan. At si Whoopee ang saksi dito. Si Whoopee ay isang notebook na ka-kulay ni Barney. Nung 2nd year HS, kapag wala kaming magawa sa AP (na halos araw-araw), ay nagsusulatan kami. Tuwing binabasa ko si Whoopee, andami-dami kong naalala. Hayyy. Haha. Hindi ko man siya masyadong naka-bonding, napatunayan kong hanggang ngayon ay faborito pa rin niya ang kulay purple. Hahaha. I miss Ianne. =)

13. Karen- si Best ko. Kung nagbabasa ka na ng blogs ko dati pa, maaalala mong may entry ako na para sakanya. Pero kung hindi mo alam or hindi mo maalala, you can see it here. Hindi rin nga siguro ako mapipilitang sumama kung hindi ako inaya ni Best. at dahil sumama na nga ako dahil sakanya, nalaman ko tuloy na hindi na pala uso ang NBSB (No Boyfriend Since Birth) o ang NOBSB (No Official Boyfriend Since Birth). Alam mo kung ano na? NBSE. No Boyfriend Since Ex. Panalo! Hahaha. At salamat kay Best dahil kung wala ang phone niya, wala kaming mga pictures. Yehey!

14. Kamla- si KaDate ko. Ah ah, kung bakit ganun ang tawagan namin ay basahin mo nalang sa blog niya. Hehe. Si Kadate ang editor-in-chief ng college paper nila, ang The Footprints. At sobrang na-touch ako ng bigyan niya ako ng kopya nito. Awww. Kung idol ko si Kadate sa online world, na-realize ko this weekend na ang closeness namin ay beyond the cyberspace. Sobrang nag-enjoy ako sa mga pinag-uusapan namin. At higit sa lahat, aakalain ko bang parehas kami ng lebel ng humor? 'Yung about sa missed call at sa Korean student dati na naging classmate namin. Hahaha, ang galing talaga.

So obviously, ako 'yung pang fifteen. Yuhoo. =D Kaya ayan, sa mga ka-Tribung hindi sumama, MAINGGIT GA KAYO! Hahaha, joke lang. May next time pa naman eh. Sana. =)

Thursday, March 26, 2009

Mr. Haggard

 haggard (adj)-- Showing the wearing effects of overwork or care or suffering [cited from WordWeb]

I don't remember kung kelan nagsimulang maging bahagi ng academic life ko ang salitang haggard. I don't remember kung kelan ko sinimulang sagutin ang tanong na "Kumusta ka na?" ng "Eto, haggard!"

Ikaw? Haggard mode ka? Lilipas din 'yan. Eh siya nga eh, araw-araw sa buhay niya, haggard siya. Meet Mr. Haggard. =)





Monday, March 9, 2009

YANU KA BIRO AY!

 Kung naintindihan mo ang ibig sabihin ng title ng entry na ito, ibig sabihin, kababayan kita! Sige lang, umalis ka na sa page na ito at lumipat sa ibang kapaki-pakinabang na mapupuntahan. Hahaha, JK.

Hindi ako aware na minsan pala, ang mga nagagamit kong salita ay hindi naiintindihan ng karamihan. Buong buhay ko, akala ko ay ang Tagalog ko ay pangkaraniwang Tagalog. Ngunit napatunayan ko na tama pala ang sinasabi ng prof ko sa Fil40 dati-- maging sa isang lenggwahe ay inherent din ang pagkakaiba-iba minsan. So for the sake ng mga taong lagi kong nakakasama at nakakasalamuha, narito ang ilang salitang madalas kong gamitin.

Adyo-Panaog-- Akyat-Baba
Arkila-- Sita
Awan ko-- Hindi ko alam (Parang "ewan ko" lang)
Babag-- Away
Balaasin-- Gamitan ng brush
Balentong/Blentong-- Tumbling (Tama ba ang spelling? Or tambling ba dapat?)
Bangbang-- Kanal
Banggirahan-- Lababo
Bangkukang-- Ipis
Barino-- Naaasar/Nagagalit
Binabanas-- Naiinitan (literal na init, as in 'yung sa temperature)
Dini-- Dito
Gaman naman-- Alangan naman (puwede ring substitute sa "di nga?")
Gamas-- Tabas
Ganari-- Ganito
Gayak-- Handa (e.g. maggagayak ng gamit means maghahanda ng gamit)
Gayatin-- Hiwain
Hagip-- Kuha
Hawong-- Mangkok
Ipatsi-- Idikit
Ipod-- Isod, Usog
Iskaparati-- Kabinet
Jablig-- (Ay jablig, 'di ko alam kung paano i-define, haha.)
Jaski-- Yanu?
Kalso-- Panlagay sa sasakyan para hindi siya umandar?
Kampit-- Kutsilyo
Kapiranggot-- Maliit, Kokonti
Kun-ay-- (Madaming puwedeng pag-gamitan, Puwedeng pang-halili sa halos lahat ng salitang nakalimutan) Parang 'ano'
Kuwitib-- Maliit na langgam na kulay orange ('yung masakit kumagat, haha)
Labon-- Boil
Lamog-- Hindi malinis sa katawan
Langis-- Mantika
Linang-- Baryo, Hindi bayan
Mabantot-- Mabaho
Madag-im-- Kapag malapit nang umulan ('yung kapag madilim na ang langit)
Maganit-- Hindi madulas
Misla-- Sahig
Naari-- Narito
Nagdadayag-- Naghuhugas ng pinggan
Nagkabog-- Nalaglag
Naglamay-- Nagpuyat para sa isang bagay
Nagpatupi-- Nagpagupit
Nakakaumay-- Nakakasawa
Napahi-- Nabura
Natalapid-- Natisod, Muntik mapadapa
Panis-- Sira/Hindi na dapat kainin (kapag sa pagkain), Luma na/Hindi na uso (kapag sinabihan ka ng "Panis na 'yan!")
Pasaka-- Pauwi ng linang
Pudpod-- Hindi matulis
Sala-- Mali, Mintis
Silong-- Baba (e.g. kapag nasa 2nd floor ka ng bahay, ang tawag sa 1st floor ay silong)
Sipay-- Baliw, Naguguha ng mga bata

Talapid -- Patid
Tikdi-- Tiptoe
Tukador-- Kabinet
Utita-- Makulit, Tanong nang tanong na pareho naman ang tinatanong
Uuli-- Lilibot, Papasyal, Maglalakad-lakad
Walanju-- (Ay walanju, 'di ko rin alam kung paano i-define, haha.)
Yakag-- Akit
Yapos-- Yakap



Note (Nov 01, 2012): This list won't be possible without the help of my sister and Multiply friends :)

Monday, March 2, 2009

Ilocos Trip Part II: The AFTERMATH


Sabi ko nga kay Jas, ang maikling trip namin sa Ilocos ay maihahalintulad ko sa 'hell week'.

Kung tuwing 'hell week', ay kinakalimutan nating mga estudyante ang buhay sa labas ng eskwela pansamantala (meaning buhay-Acads lang talaga dahil sa sabay-sabay na requirements, exams, reports, at papers), ang nangyari ngayong weekend ay mirror image ng 'hell week', dahil ang pansamantala kong nakalimutan ay ang buhay Acads ko! Ahahaha.

Bakasyon kung bakasyon! Ang sarap ng buhay ko nung weekend-- walang iniisip na deadline, walang baon na readings, walang papers. Ang tanging problema lang na iniisip ay kung saan ba kami kakain, kung anong oras matutulog, kung anong ipampapasalubong. Sarap buhay! Hahaha.

Dalawang araw palang ang nakakalipas, pero that scenario seems so distant now. Dahil katulad ng 'hell week' na natatapos after ng ilang araw, (o buwan sa iba), ang maikling bakasyon ko ay tapos na. Back to reality. Katulad ng pagatatapos ng isang 'hell week', kung saan unti-unting nagsusulputan muli ang ibang aspeto ng buhay other than Acads, ang pagtatapos ng Ilocos trip ko ay nangangahulugang kailangan ko nang magbalik-loob sa Acads. Hahahahayyyyyy.

At muli, nag-po-pop-up na naman sa utak ko ang ilang mga concerns ko bago ako umalis nung Biyernes.

* Sino nga ba ang nagpayong sa akin nung nagpaulan si God ng katalinuhan sa Science? (specifically sa BIOLOGY!)
* May patutunguhan bang RRL ang topic ko sa PolSci110?
* Kelan kaya gagaling si Sir Saturay?
* Paano ko ba sisimulan ang pagrereview ko para sa Econ third exam?
* Ano kaya mangyayari sa survey namin sa SocSci103?
* Ano kaya grades ko sa mag midterms exams na hindi pa nabibigay results?
* Anong mga subjects ba kukunin ko sa summer?



 

Ilocos Trip Part I: You'll love Ilocos

Maliban sa prof, sa schedule, at sa kung aircon ba ang classroom, isa sa pa sa mga batayan ko sa pagpili ng isang subject ay kung may 'educational trip' ba sa subject na 'yun. Hindi naman sa mukha akong 'field trip', pero mas napapamahal lang talaga ako ang isang subject kapag may 'field trip.' Bakit? Dahil naniniwala ako na hindi nalilimitahan ang pag-acquire ng knowledge sa apat na sulok ng classroom. Whew. Joke lang! Ang tunay talagang dahilan ay dahil sa mahilig lang talaga akong gumala at mag-liwaliw! Hahahaha.

Isa talaga sa highlight ng sem na 'to para sa akin ay ang aming Geography 143 (Geography of Asia) field trip. So ako na talaga ang pinaghandaan 'yun ng bonggang-bongga, at na-excite ng sobra-sobra. Wag mo nang itanong kung paanong paghahanda, dahil sasabihan mo lang ako ng "OA na, OA pa." Hahaha. Eto kasi ang unang beses na makakapupunta ako sa lugar na nasa Northern part ng Luzon. Sorry naman, tubong Southern Tagalog eh. Haha! And second reason, I badly need a break from everything. Char!

 

Naka-sched ang trip namin sa Ilocos Norte at Ilocos Sur. Two days siya bale, last Saturday (February 28) at Sunday (March 1). Pero Friday night palang, umalis na kami ng Quezon City sakay ng isang bus na may videoke sa loob. Why not. Grabe, the best ang karaoke, kinareer talaga ng mga singers ang pagkanta, may concert pa nga nung pauwi na. Haha, seryoso 'yun. Narinig ko yatang kinanta ang lahat na yata ng klase ng musika, mula sa iba't ibang panahon at iba't ibang klase ng singers. Ayos. BSB, Spice Girls, Britney, Wowowee and the likes, Aegis, makapagdamdaming love songs from the past (and present), ang mga halos 10 times na pag-ulit sa You Changed My Life, etc. At siyempre naman, ang 'Lumayo Ka Man' version ni Sir Saguin! Yihee.

 

After ng breakfast sa Laoag City, una naming pinuntahan ang Cape Bojeador Lighthouse sa Burgos, IN. Halos 107 years na pala ito. At sabi sa hand-out ni Sir, ito ang pinakamataas na lighthouse sa buong Pilipinas. At higit sa lahat, tanaw na tanaw mula sa itaas ang South China Sea.
 
 

Our next stop was in Bangui Wind Mills. Panalo dito. Dati pa kasi ako nakakakita ng wind mills, sa TV at sa pictures, pero iba pala ang pakiramdam kapag personal mo siyang makikita. Ang laki-laki pala niya sa malapitan! Okay, nabano ako in short. Hahaha!



Pagudpud! Sa isang resort kami sa Pagudpud nag-lunch (luch pa ba ang 3:30PM?), at nag-overnight. Ang ganda-ganda ng Pagudpud! May mga lugar na mas nakakabusog tingnan ng live. I mean, eto 'yung lugar na hindi kayang i-justify ng litrato ang kagandahan, kahit pa napakagaling na ng litratista, o kahit na pinakamagandang camera na ang ginamit. 'Yung tipo bang kahit ilan pang magagandang litrato ang ipakita sa 'yo, ang tatatak pa rin sa memorya mo ay kung paano mo ito nakita gamit lamang ang iyong naked eyes.



Bentahe din sa Ilocos ang mga simbahan. Sa second day ng trip, pinuntahan namin ang Sta. Monica Church sa Sarrat at ang Paoay Church na kasali pala sa UNESCO's World Heritage List.


Last stop namin ay ang Vigan. Kung saan bilib na bilib ako dahil kapag lumibot ka dito, pakiramdam mo talaga ay mag-ttravel-back-in-time ka. Pramis! Pati mga establishments dito (mapa-McDo man o Mart-One) ay patterned sa kung paano nakilala ang Vigan-- sa mga ancestral houses. Bumisita. din pala kami sa cathedral ng Vigan, at alam niyo ba kung paano sila magmisa doon? Gamit nila ang kanilang local language, ang Ilocano. Astig!


Friday, January 30, 2009

TH1RTEEN R3ASONS WHY


Rating:★★★★★
Category:Books
Genre: Teens
Author:Jay Asher

Thirteen Reasons Why. Huh? What? Aren't you curious what these reasons are all about? Intriguing title, isn't it? I never knew that such a novel exists, and I never expected that I would invest my precious time reading a masterpice of an author I've never even heard before. But I simply just wanna satisfy the GG (xoxo, haha) side of me, that's why I checked on the first page just to know what it is all about, and then the second page, and then the next one, until I realized that the time I finished a chapter, the more I was interested on proceeding to the next.

What's the novel all about? Say hello to Clay Jensen, the ninth reason why. Tadahhhh! Clay received a box addressed to him one afternoon, with seven CASSETTE tapes inside it. These audiotapes were recorded by Hannah Baker (Clay's classmate) before she comitted a suicide. (So you might have guessed by now that the complete title of the book should be THE THIRTEEN REASONS WHY HANNAH BAKER KILLED HERSELF. Haha) The audiotapes said it all about the life of Hannah before she ended her life, and how these thirteen person somehow affected her decision. Each of the thirteen had a side of a cassette tape dedicated to him/her. Sent to the first person that started it all, Hannah gave only two rules to the LUCKY 13. Rule number one: Listen to tapes. Rule number two: Pass it to the next person involved.

Who are the other twelve persons?
Why are they on Hannah Baker's list?
What happened to Clay after listening to the tapes?
So I think that's the rest of the things you'll know after you read the novel.

I am contented on how the novel is written. Though centered on Clay Jensen's point-of-view, I love the idea of putting Hannah Baker's point-of-view through the cassette tapes. The story? Interesting enough. Not only that the whole book is a mystery, but each chapter is fascinating. And of course, I love the meaning beyond the words. The ideas and lessons presented by the novel, I don't know if intentionally or unintentionally, that were applicable to the real world. My favorite is the idea of snowball effect. I just think that I didn't know some characters that much. I don't know. But I think something is incomplete on how the characters are presented. But overall, I think the novel is good. A must-read!

--some of my favorite quotes from the novel-- (apparently all said by Hannah Baker)
* Because it may seem like a small role now, but it matters. In the end, everything matters.
* Things get better, or worse, depending on your point of view.
* Stupid? Yes. But did it make sense? Yes...at the time.
* I guess that's the point of it all. No one knows for certain how much impact they have on the lives of other people. Oftentimes, we have no clue. Yet we push it just the same.
* Sometimes we have thoughts that even we don't understand. Thoughts that aren't even true--that aren't really how we feel--but they're running through our heads anyway because they're interesting to think about.
* If you could hear other people's thoughts, you'd overhear things that are true as well as things that are completely random. And you wouldn't know one from the other. It'd drive you insane. What's true? What's not? A million ideas, but what do they mean?
* If you hear a song that makes you cry and you don't want to cry anymore, you don't listen to that song anymore.
* You don't know what goes on in anyone's life but your own.
* And when you mess with one part of a person's life, you're not messing with just that part. Unfortunately, you can't be that precise and selective. When you mess with one part of a person's life, you're messing with their entire life.
* Everything...affects everything.
* You can't go back to how things were. How you thought they were. All you really have...is now.
* I could have stopped it--end of story. But to stop it, I felt like I'd have to stop the entire world from spinning. Like things had been out of control for so long that whatever I did hardly mattered anymore.
* The signs were all there, all over, for anyone willing to notice.

Monday, January 12, 2009

Huling El Bimbo - Mcdo Commercial

Art Studies 2 Midterms Exam Bonus Question: What is your favorite work of art--it may be visual, musical, a play, a film, etc.--and why? 

Here's my answer:

            First love. A boy meets girl. Boy fell inlove for the  first time with a girl. The girl felt likewise. Years passed by. Boy and girl saw each other again. Boy and girl ended up together. A very familiar topic. A subject of many forms. A same-old story.


            My favorite work of art also have first love as its main topic. But it does not go like what is mentioned above. A boy meets girl in the fast food. Boy fell inlove for the  first time with a girl. The girl felt likewise. Years passed by. Boy and girl saw each other again at the same fast food where they first met. Boy and girl ended up together. Yes, the boy and girl did not end up together. The girl was already married, with a kid. Hmmm, having some guesses now?
            The “First Love” commercial of McDonald's is one of my favorites. Released only this year, it used the song “Ang Huling El Bimbo” by Eraserheads that perfectly fit the subject of the commercial. I am not a fan of the fast food, I honestly prefer its greatest rival, but I fell inlove with this commercial the very first time I saw it. The advertisement is made by DDB Philippines ad agency, and directed by Stephen Ngo.
            I love how this advertisement presented the concept of first love in a non-conventional way, preserving the heartwarming message of the ad. The advertisement is fast-paced, yet you can clearly understand what it is all about. As mentioned earlier, it uses a popular song that depicted the same message, and thus, easy to sing with, giving the advertisement a “familiar” touch.
            Other art device that I love most in this advertisement is the way that the main characters are on the same spot they used to sit on when they were young, yet you can see that there are changes on the location from the 1980s to the present. Another common art device used in this ad is the instant transformation of the characters from being children to adults. I also love how this commercial uses narration instead of conversations between characters, which I think is a perfect device for this commercial.

            Can't find any other words to best describe why I love this work of art. Basta, I just so love everything about this commercial-- the story, the background music, the artistic devices, and ofcourse, that cute lead actor. ☺☺☺

Saturday, January 10, 2009

Nanonood ka ba ng Family Feud?

Nanonood ka ba ng Family Feud?

Hindi 'yung original version ha. 'Yung Family Feud sa GMA 7. Hosted by Richard Gomez. Yeah right, nabili na pala ng GMA 7 ang rights para gawan ng local version ang isa sa longest-running game show sa America. Nagsimula sa pag-iimport ng mga foreign programs, hanggang sa nagsimula ang Tagalized Mexican series, Tagalized cartoons, hanggang sa Meteor Garden at iba pang telenovela from Korea, Taiwan at Japan na hit na hit pa rin hanggang ngayon. But lo and behold, hello sa mga dumaraming Pinoy 'version' ng mga shows na nanggaling sa iba pang bansa na parte na yata talaga ngaun ng Philippine television. Meaning, hindi lang sila basta di-nub using the Tagalog language (na kagaya ng ginagawa ng TV 5 sa paborito kong Spongebob Squarepants at Legends of the Hidden Temple), but si-net na talaga sila using actors/contestants/production staff/production set-up in the Philippines.

Who Wants to be a Millionaire?
Pinoy Big Brother
Pinoy Fear Factor
Pinoy Idol
Pinoy Dream Academy
Survivor Philippines
Deal or No Deal
Wheel of Fortune
Marimar
My Girl
I Love Betty La Fea
LaLola
Kakasa Ka Ba sa Grade 5? (Are You Smarter Than A Fifth Grader?)
... to name a few. And hindi ba lahat ay nagulat ng ma-tsismis ang Pinoy version 'daw' ng Gossip Girl at Twilight? (hahaha. hahaha. hahaha. tawa nalang ako.)

True enough, pinapalibas din ang ibang TV shows ng Pilipinas sa ibang bansa, specifically, Asian countries. Dinu-dub din nila sa sarili nilang language. Pangako Sa 'Yo in Malaysia and Sana Maulit Muli in Taiwan. According to my English 1 professor (way back 1st year 1st sem haha), na-enjoy daw ng maraming Amerikano ang Gagamboy. Gagamboy? Yeah right. Gagamboy starring Vhong Navarro. Even Americans buy the rights for some movies. See, American versions naman – our very own Sigaw, and Korea's My Sassy Girl. Bottomline, hindi tayo nag-iisa.

Hindi ako ganoon ka-supportive sa mga palabas na may 'Pinoy version' sa title. Naiintindihan ko kung bakit kailangang i-Tagalized ang ilang mga programs – dahil kokonti lang sa Pilipinas ang nakakintindi ng mga languages na Korean, Chinese Mandarin, Japanese, o Spanish.  Pero bakit kailangan pa ng mga shows na 'Pinoy version'? Isa lang ang naiisip kong dahilan. Para mas pumatok sa panlasa ng mas maraming Pilipino. Parang kung paano i-fi-nit ng McDo (love ko 'to) ang McSpaghetti nila sa panlasa ng mga Pilipino. Bottomline, ayaw ko nang mag-elaborate. Mahaba-habang discussion 'yun eh. At least they bought the rights para mapalabas ang mga program na 'yun, at hindi 'yung magkakaroon nalang bigla ng mga Filipino TV Shows na obvious na obvious namang adapted sa foreign shows. Hello TV 5's Lipgloss.

Back to Family Feud. Uulitin ko lang. Nanonood ka ba ng Family Feud sa GMA 7? Or kahit isang episode, nakapanood ka na ba?

Kung hindi pa, sulyapan mo kahit isang episode lang. Pansinin mo lang. Pagkatapos sumagot ng isang contestant, sasabihin niya, “Puwede. Puwede.” With matching palakpak. Sabi nga ng kapatid ko, para bang pinapalakas nila ang loob nila. At ki-no-convince nila na nasa board ang isinagot nila. Weird.

Wala naman talagang patutunguhan ang post na ito. Na-weirdo-han lang talaga ako sa gesture na 'yun ng ilang mga sumasali. “Puwede. Puwede.” Hahaha, sorry, opinion lang. Na-bo-bother lang talaga ako doon. And naalala ko lang talaga ang Wheel of Fortune dati. Imagine, habang ikaw, hinihiling mo sa sarili mo na malaki 'yung cash sa pag-ikot ng roleta mo, 'yung dalawang kalaban mo eh hinihiling na ma-bankrupt ka. Hay, whatever.

***

Salamat sa pagbasa! :)

Saturday, January 3, 2009

Kwentong Bakasyon

***

Hello boarding house!
Hello instant noodles!
Hello fastfood chains!
Hello IKOT/TOKI!
Hello Mercury (PHILCOA branch)!
Hello junk foods! Haha!
Hello Diliman campus!
Hello Acads!
Hello readings!
Hello classmates!
Hello INTERNET!
Hello puyatan!
Hello maagang gisingan!
Hello pila sa pagligo!
Hello SC!
Hello BNO!
Hello night life! (haha, JK!)

IN SHORT: CHRISTMAS VACATION IS OFFICIALLY OVER!!! SIMULA NA ULIT NG KLASE!!!

***
"What's The Real Essence of Christmas?"
'Yan ang title ng composition na required isulat ng kapatid ko para sa English III niya.

Naalala ko lang, parang taon-taon, tuwing January, pagbalik ng klase pagkatapos ng Christmas vacation, palagi rin akong pinapasulat ng mga teacher ko noong gradeschool ng ganitong composition. At pati na rin ng ilang mga teacher ko noong high school. Pare-pareho ng theme. CHRISTMAS. At pakiramdam ko, nang mga panahong 'yun, parang pare-pareho din lang ang mga isinusulat ko.

Pero siguro nga, kung ngayon ako pasusulatin ng ganitong composition, mas mag-iiba na. Hindi na tipong kung paano lang ang clique na celebration ng mga Pilipino ng Pasko, hindi lang kung ano ang role ng bawat miyembro ng pamilya sa pagdedecorate ng bahay, hindi lang tungkol sa bibingka at puto bungbong, at sa regalo ng ninong at ninang. Mas malalim na siguro ang laman. At 'yung mula na talaga sa puso. Dahil naniniwala na ako na bawat tao na naniniwala sa pagdiriwang ng Pasko ay may kanya-kanyang kuwento tungkol dito. Charz.

***

Dahil nasa bahay si Tatay, sa kwarto namin natutulog ang kapatid ko. Kapag kasi wala ang Tatay namin, tumatabi siya sa Nanay namin sa kabilang kwarto. So 'ayun, buong bakasyon, halos magkasawaan talaga kami ng mukha ng kapatid ko. Hahaha! Madami-dami din kaming napanood na pelikula. Salamat sa mga pirated DVDs. Natapos din namin ang mga Asianovela na Full House at Hana Kimi. Malawak-lawak din ang naging sakop ng mga napagkuwentuhan namin. Nakalimutan ko na 'yung iba sa sobrang dami. Haha.

Dahil isang malaking duwag ang kapatid ko, hindi puwedeng ako ang maunang matulog sakanya. (At dapat buhay ang ilaw sa likod ng kwarto!) Kaya sabi ko, umisip siya ng gagawin namin para hindi muna ako antukin. Ang mga ginawa namin? Eh 'di naglaro!

1. Pinoy Henyo. Na lagi akong natatalo dahil ang chever ng mga words na iniisip niya.
2. Family Feud.
3. ABKD. Haha, 'yung tipong U-Na-I-Ba-E-Ra-Sa-I-Da-A-Da. Tapos dapat alam mo 'yung word na mabubuo. Pramis, nakakalito kaya!
4. Hindi ko alam kung anong tawag sa laro na 'to. At kung laro ba talaga 'to. Pero iisip ka ng tanong. Tapos iisip ang kalaro mo ng sagot. Halimbawa, BAKIT?. Iisip ka ng tanong na nagsisimula sa BAKIT at iisip naman ang kalaro mo ng puwedeng isagot sa BAKIT. At dahil nga hindi naman talaga magiging related ang sagot niyo, tatawa lang kayo kapag nasabi niyo na ang iniisip ng isa't isa. At naiinis lang ako kapag ang sagot na sinasabi ng kapatid ko kapag BAKIT eh "dahil gusto ni GOD".
5. Card Games! Tong-its. Na sabi niya feeling niya ang galing-galing niya. Bluff. Na kalahati lang ng deck gamit namin dahil dalawa nga lang kami. Dugsungan. Na ginagamitan pala ng strategy.

One time, bored na kami pareho, at gustung-gusto na naming umisip ng bagong laro. Tapos may naalala siya na noon ko lang talaga ulit naalala. Nung gradeschool kasi, kapag walang teacher, madami ding gingawang laro kaming magkaklase. Isa na dito ang laro na nilaro din pala ng mga kaklase ng kapatid ko.

Kukuha ng isang libro. Tapos pipili ka ng gusto mo, right-side ba o left-side. Then every turn ng page, bibilangin niyo kung ilang tao ang naka-drawing. Tapos 'yun 'yung dami ng pitik na ipipitik mo sa kalaban. Hahaha! Ayos ba?!

***

Siguro ngayon, mag-a-agree ako sa reason ng professor ko dati sa Socio 101 kung bakit wala kaming film showing sa klase. Ayon sakanya, hindi daw kasi pare-pareho ang focus ng mga tao sa panonood ng isang pelikula. Kumbaga, iba-iba ang pinapansin natin sa daloy ng pelikula o ang ating mga hindi napapansin dito.

Dahil nga medyo nasulit ko ang bakasyon, minsan nauulit-ulit ko rin ang mga movies na napanood ko na dati. Hindi lang talaga siguro ako likas na mapansinin, pero everytime na mapapanood ko ang isang pelikulang napanood ko na dati, ewan ko ba, may bago at bago pa rin akong mapapansin dito. Minsan 'yung suot ng mga bida. O kaya isang line na binitiwan niya. Basta!

***

Kung totoo man ang sinasabi nila na related ang mga nangyari/ginawa mo/suot mo sa unang araw ng bagong taon (January 1) sa mga natitira pang araw sa taon na 'yun, malamang buong 2009:

1. wala akong load. So paano ba 'yan textmates? Sa 2010 nalang?
2. wala akong pera.
3. mapupuyat ako! (hayyy.)
4. mabaho ako. Dahil hindi ako naligo nung January 1! Ha! (yuck.)
5. makakapagbasa ako ng maraming libro
6. dadalaw-dalawin ng mga pesteng virus ang computer at USB ko.
7. mamalasin ako dahil hindi ko sinuot ang lucky color ko. Whatever.

***

Salamat sa pagbasa. :)